Chaptergather
Loading…

Wake Me Up When September Ends

In progressScience Fiction
13+
2
TagalogHuman-written

Synopsis

Anong sakit, ang maiwan ng iyong taong minamahal? Tunghayan natin ang isang kuwento, ang kwento nina Anna Flora Curtiz at Franco Luis Torres.

Wake Me Up When September Ends One

Published

Naalala mo pa ba nung tayo'y unang nagkakilala yun ang pinakamasayang tagpo sa aking buhay. Mga tagpong pilitin ko mang kalimutan ngunit hindi yun magiging madaling alisin na lang sa aking alaala. Sapagkat, piliin ko mang maging masaya ay parang napakaimposibleng mangyari ngayong wala ka na.

At ako andito heto nakatunganga at nagbabakasaling na pawang isang napakasamang panaginip lamang ang mga bagay na nag-ugnay sa ating dalawa noon. 

Ngunit, kabaliktaran dahil binigyan mo ako ng pag-asa at pati na rin sigla na kailanman di ko nararanasan sa buong pamamalagi ko dito sa makapagkait at mapanuksong mundong ito.

Animoy, para akong hayop na nakulong ng matagal sa hawlang ako rin ang may kakagawan sa sarili ko. Subalit, sa pagdating mo sa buhay kong parang guguho na lang bigla ngunit inalis mo ang mga nakaharang na pader at nagawa mo ngang ako'y tuluyang palayain mula sa pagkakarehas ko sa kalungkutan at kawalan ng pag-asa. 

Sa pagkawala mo ay, parang natibag din ang saya at pag-asa na aking nadarama tuwing kasama kita. Ngayong wala ka na ako'y umaasa na masaya at payapa ka kung nasaan ka man ngayon habang ako patuloy ka paring mamahalin kahit napakalabo na nang ating hanggan dahil inunahan mo na ako diyan sa langit.

Aking mahal, huling-huli na ito pwede bang Gisingin mo ako kung kailan tapos na ang Setyembre. 

ikaw kasi ang naalala ko sa tuwing pinipikit at minumulat ko ang aking mga mata.

Sige naman oh tulongan mo rin akong pahupain at galingin ang sugat na aking natamo mula nang ako'y linisan mong bigla na wala man lang pasabi.

Nakakainis ka ulan, ganitong-ganito ang panahon dati simula nang kaming magtagpo at tandang-tanda ko pa ang musikang aking nadinig sa aking tenga. ang musikang naging mitsya kung bakit ako'y napaibig sa kaniya sa isang eksenang di malilimutan. 

*Summer April 2015*

(Kakagaling lang sa pagbisita sa tahanan ng aking Tiya Marie) 

"Auntie maraming salamat po pala, sa pagpapatuloy sakin sa bahay mo" sabi ko pa sa tiya ko habang kinakausap ko ito sa payphone

"Walang anuman yun, alam mo namang parang anak ang turing kong sayo Anna kaya welcome ka anytime sa bahay ko" wika naman ni tiya Marie na halatang-halata na nasisiyahan siya sa pagbisita ko sa bahay nila

"Sige po Auntie, ibaba ko na po itong tawag dahil uuwi na po ako sa Caloocan" pagpapaalam ko pa rito sabay ibinaba ko na ang payphone sana kaso pinigilan niya akong gawin yun

"Teka lang Anna, bakit mo pala ito ibaba ang tawag. matanong nga lang bakit hindi sumama ang Mama at Papa mo sayo sa pagbisita dito sa bahay ko ha?" seryoso pang tanong ni tiya sakin

"Yun po ba Auntie, kasi po ang totoo niyan kaya po sila hindi sumama sakin dahil wala po daw magbabantay sa kapatid kong 2 years old pa lang kaya po hindi na po sila pumunta diyan sa bahay mo" paliwanag ko pa sa tiya ko

"O siya sige na, ba-bye!" mga huling katagang sinabi nito sakin bago tinapos ang pag-uusap namin

"Hayy sana matapos na lahat ng aking paghihirap sa buhay na ito!" malakas ko pang sigaw matapos lumabas sa phone booth 

"Naku naman oh mukhang makulimlim ang kalangitan" nag-aalala ko pang bulong sa aking sarili matapos mapansing dumidilim na ang ulap sa langit

Sa matagal na paghihintay, sa wakas ay dininig na rin ng langit ang aking dasal ang paulanin ang buwan ng Abril di ba nakakabaliw isipin pero totoo ngang naganap ito sa kalagitnaan pa ng traffic dito sa Roxas Boulevard. 

Buti na lamang kahit saan ako magpunta ay lagi akong handa sa anumang pagkakataon gaya ngayon sa mga sandaling ito ay mabilis kong inilabas ang pangmalakasan kong armas sa mga ganitong sitwasyon. Sharannn! ang aking mahiwaga at matibay pang Payong! 

Girl's Scout kaya akong maituturing. 

please lang ha huwag kayong maingay baka sabihan pa akong mayabang nito ng ibang tao.

Pero bahala silang mga inggit at mapanglait dahil di ko din sila uurungan ano! 

Halerr. si Anna Flora Curtiz lang kasi ito! 

Ang the one and only Girl's scout tapos fighther pa!

Teka sandali lang, kailangan ko munang huminto sapagkat kulay pula pa ang stoplight rito alangan na tumawid ako agad-agad ano ako si Flash na sobrang bilis. hindi kaya kapag ginawa ko naman siguro yun dalawa lang ang magiging ending nito Una: mabubuhay pa ako kahit tumawid ako na marami pa ang sasakyan na nagdaraan O ang Pangalawa: Maaksidente ako O ang malala sa lahat kamatayan ang mapapala ko. 

Kayo mamili kayo tatawid ba ako o hindi? 

Edi shempre hindi. bakit? tatanungin pa ba yan eh gusto ko pang mabuhay! gets niyo ba? 

Kung gets niyo, edi kayo na lang ang tumawid sa madaming sasakyan. 

Samantalang ako, dito lang titigil muna pansamantala upang ilayo ang aking sarili sa kapahamakan. Marahil, hindi ito ang unang beses na tumatawid ako parang ikasaandaang beses na ata base pa sa pagkakatanda ko. 

Ngunit hindi ito ang aking punto, ang sakin lamang matuto naman tayong sumunod sa mga batas at maging responsable sa kahit ano mang oras at pagkakataon dahil malay natin kung hindi tayo magaling mag-ingat at tumayo sa mga responsibilidad natin baka sa huli tayo rin ang magsisi sa mga bagay na dapat sana nating pinakinggan at pinaniwalaan na lang. 

Ano ba itong pinagsasabi ko, pasensiya na kayo ha kunting tiis na lang makakatawid din tayo ng safe and sound. Oh ayan nagpalit na ang ilaw ng stoplight ngayon berde na may hugis ng taong tumatawid ano pang hinihintay mo Anna Flora tumawid ka na bilis! bilisan mo na baka mahirapan ka na namang tumawid mamaya.

Ngayon natutunan niyo na ang tamang paraan sa pagtawid, sunod naman ang ituturo ko sa inyo ang tamang paraan sa pag-iwas sa mga tao para di mo sila mabangga o masaktan.

Ano na natuto na ba kayo sa lesson natin ngayon? 

Hala si oka oyy biglang naging teacher! hehehe. biro lang mga earthians! 

Mission succeed tayo kanina. 

Ngayon kaya sa tingin niyo mag-susuceed parin ba ako what do you think? 

i don't think so! bulong ko pa sa sarili ko habang nakatawid na sa kabilang parte dito sa Roxas Boulevard 

if you will ask guys and girls kung hawak ko parin ba ang payong ko my answer will be Yes! 

Why? tinatanong pa ba yan. aba shempre maingat kaya ako sa mga gamit ko. Ano ba sa tingin niyo sakin burara o pabaya hindi kaya! 

duhhh!!!!! 

Continue na nga tayo mga earthians sa aking kwento. 

At ang kanta na tinutukoy ko, kanina pa lang na naging hudyat upang ako'y mainlab sa tinutukoy kong mahal ay ang kantang pinamagatan pang "Wake me up, When September Ends " siguro naman alam niyo na ang kantang yan O hindi kaya narinig niyo na sa kung saan man? 

Ngayon ituloy natin ang momentong pinakahihintay ninyong lahat. 

Alam kong hindi na kayo makapaghintay at sobra na ang pananabik na nararamdaman niyo diyan sa loob ng mga dibdib ninyong di mapigilang mapatibok-tibok-tibok. 

Kaya naman heto na ang pagpapatuloy ng aming istoryang dalawa! 

"Naku naman oh, bakit ka pa ba umulan?" rinig ko pang sabi ng isang binata sa aking likuran 

"Bakit?" tanong ko pa bigla rito na napagpagulat sakin dahil bakit ko biglang naitanong yun sa kaniya. Hayup ka talaga Anna Flora! Hayup! sobrang-sobra pa! 

Bago ko pa ibinigay ang matamis kong Oo sa pa Will you marry me niya ay Nag-yes na agad ako. Oo tama kayo nang iniisip diyan napalingon kasi ako kanina sa kaniya sino ba namang babae ang hindi mapapalingon lalo na napakamaamo ang boses ng aking narinig sa aking likuran kaya naman sa aking kuryosidad eh hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang inyong Anna Flora ay kaagad ko na siyang nilingon sa likod kung pogi ba talaga?

At here's the good news, ang pogi-pogi niya talaga as in super duper di ko mapaliwanag ang nadarama ko sa mga minutong yun. 

Baliw na ata ako, para mapagpatuloy pa sa pagpapantasiya pa sa kaniya kaya naman ay muli kong ginising aking sarili at ginawa ko sinampal ko lamang ang magkabilang pisngi ko para matauhan ako ulit di ba epektibo yun sa tingin niyo kaya? 

"Hello Miss, okay ka lang?" tanong pa niya na parang nagtataka sa ikinikilos ko sa kaniya

"Huh? ano sabi mo. mahal mo na ako?" parang nahihibang ko pang tugon sa kaniya

"Miss kasi, ang totoo niyan kanina pa kita sinusundan" pasimula pa niyang wika sakin na parang nililinaw ang tunay nitong intensiyon sa akin

"Sana hindi ka galit o baka iniisip mo diyan na may gagawin akong masama sayo, wala ha ako na mismong nagsasabi mabuti akong tao ang kailangan ko lang naman kasi total ikaw naman ang may payong pwede bang pashare kung wala lang naman kaso sayo?" pagpapatuloy pa niya sa pagpapaliwanag sa akin

"Hahahahaha. alam mo na nakakatawa ka, bakit hindi mo kaagad sinabi sakin yan tuloy basang-basa ka na nang ulan. Halika dito sukob ka sa payong ko" natatawa ko pang wika sa rito sabay isinukob ko na siya sa malaki ko pang payong na bigay sakin ng mama ko noong bata pa ako

"Pasensiya ka na ha, nakakahiya tuloy ako sayo" tila nahihiya pa niyang wika sakin matapos ko itong pagtawanan kanina

"Ako ka ba di ka dapat na nahihiya sakin" sagot ko pa rito sa kaniya habang nilalakad naman ang kahabaan ng kalsadang nag-uumpisa nang bahain

"Alam mo tama rin naman kasi ang ginawa mo, walang mali dahil tao ka lang naman na may mga pangangailangan" pagpapatuloy ko pa sa pagsasalita habang siya'y nakikinig ng masinsinan sakin

"Salamat pala sayo Miss dahil pinasukob mo ako sa payong mo" wika pa niya sakin sa maamo parin nitong boses

"Teka lang Miss, maaari ko bang malaman ang pangalan mo para kilala ko ang babaeng bayani ko sa araw na to. pwede ba sabihin mo?" dagdag pa niyang wika sakin.

"Anna Flora Curtiz taga Caloocan City" mabilis ko pang sagot rito sabay inilahad ko ang aking kamay sa kaniya para makipagshake hands rito tapos nginitian ito

"Ako naman si Franco Luis Torres, taga Valuenzuela City" nakangiti din nitong sagot sakin sabay inilahad din ang kamay niya at nakipagshake hands na sa akin

"Hala tumigil na ang ulan!" masaya pang wika ko sabay tiniklop ang payong ko at ipinasok sa maliit ko pang shoulder bag

"Maraming salamat ulit sa tulong mo Ann!" nakangiti pa niyang wika sakin 

"Sige mauna muna ako sayo ha!" pagpaalam pa niya sakin sabay tinahak na nito ang daan papunta sa sakayan niya papuntang Valuenzuela

"Salamat din sayo sa pagsama sakin ngayong maulan na panahon!" sigaw ko pang sagot sa kaniya habang ito'y palayo ng palayo sakin

Bigla ko na lamang naramdaman ulit ang lungkot. Paanong di ako malulungkot eh kasi hindi na naman ako sigurado kong magkikita parin ba kami. 

Walang katiyakan, ang mga bagay-bagay kaya hangga't na sa iyo ang chansa dapat sunggaban mo na kaso sa sitwasyon ko ngayon parang nag-aalangan akong gawin. 

Bakit nga ba? 

Ewan ko rin ba. 

Meron kasi akong naririnig sa konsensiya ko na dapat gumawa ako ng paraan para magkita kami. At ang isa ko naman na konsensiya ay iba din ang sinasabi heto ang sabi niya 

Hoyy ikaw Anna Flora Curtiz huwag mo na ngang intindihin yung lalaking yun, ang dapat na inuuna mo rito ang pag-aaral at ang mga magulang mo pati na din ang sarili mo kasi yang pag-ibig na yan kung nakatadhana yan sayo ay tiyak naman makakamtan mo parin yan sa dulo kaya ako sayo wag inuuna mo kuha mo ba ha? 

Hindi ko parin talaga mapaliwanag yung nararamdaman ko sa oras na nakauwi ako sa bahay namin para akong hindi mapakali na ewan. 

Nakaramdam din ba kayo ng ganoong pakiramdam? 

Kasi ako ngayon para may kung anong kakaiba sa sikmura ko na di ko mawari kung ano. 

ito kaya yung tinatawag nilang paru-paro sa tiyan o butterflies in the stomach. 

Ano nang gagawin ko ngayon mukhang hindi ko na siya madaling malilimutan na lang ang lakas-lakas kasi ng dating niya sakin kakainis naman siya oh! 

Kung sakaling magtatanong kayo tungkol sa Summer 2015 ko isang bagay lang siguro ang nagawa kong makabuluhan sa bakasyong ito. 

Unang-una, binisita ko ang bahay ng tiya ko. 

Pangalawa, Nakilala ko siya. 

Pangatlo, Nasukoban ko siya kaya dahil doon naging close kami kahit papaano. 

Meron pa bang mas gaganda sa mga kaganapang nangyari sakin this Summer 2015?

Iniisip ko talaga ngayon pa lang. 

makikita ko parin ba ulit siya? 

makakasama ko parin na ulit siya? 

Sana naman mas magkaroon ako ng pagkakataong makilala pa siya ng masinsinan kasi sa tingin ko ngayon pa lang na nawalay siya sakin parang hanap-hanap ko na ang presensiya niya. 

Sana po talaga Lord kaawaan niyo po ang maganda niyo pong anak na muling makita nito ang lalaking kanyang hanap-hanap at pinapangarap pa sa tuwina't araw nating nag-daan.. Hala siya biglang napakanta! 

Marahil, ngayon ay napapaisip kayo kung ano ang mga sumunod na mga eksena sa aking Summer 2015 sa Abril pwes tatapatin ko na kayo wala namang halos mga ganap sa ngayon. 

Kasi naman itong pamilya ko ba't ayaw pa magbakasyon kahit alam ko namang afford ng mga magulang ko ang magtravel kami pa-abroad pero dahil nga hindi nila kinasanayan kaya naman okay na lang din sakin madali lang naman ako kausap kaso kahit ganun paman may parte parin sa aking sarili na nagsasabing gusto kong mag-abroad at ang pinakapangarap kong destinasyon na mapuntahan ay sa lugar na tinatawag pang "City of Love" at siyaka yung "Land of the Rising Sun" ang problema nga lang hindi ko alam ang pangalan ng mga dalawang bansang yan kaya sobrang naiinis ako sa sarili ko bat ipinanganak pa akong bobo pagdating sa mga bansa-bansa. 

Kayo ba may mga dream destinations rin ba kayo na gustong puntahan in the near future? 

Kung Oo man sakali ang sagot niyo sige naman oh pakisama na ako. hehehehehe! ano ba kayo nagbibiro lang ako kayo talaga! 

Well let's move on na lang tayo sa Summer 2015 ko sa Abril dahil di ko na din siya ulit nakita. 

Huwag kayong masyadong malishoso at malishosa diyan ha!.

Tigilan na yun yang mga iniisip ninyong kalokohan sa mga kukote niyo dahil maling-mali kayo kung pumapasok sa mga malilikot ninyong mga haraya ang posibilidad na miss na miss ko na siya. 

Sige na nga aaminin ko na. 

Miss na miss ko na siya paano ba naman kasi sinong di makakamiss sa gwapo niyang taglay at pati na rin sa pagiging gentle niya tiyak naman kayong mga girls at gays diyan out there ay maattract sa mga ganung klaseng tao. 

Naalala ko na naman tuloy bigla ang kantang pinatugtog ng ako'y tumatawid pa sa kahabaan ng traffic sa Roxas Boulevard. 

Hindi ko akalain na yun pala ang simula nang di malilimutang sandali ng aking buhay. 

Ang maisukob siya sa aking payong at makasama siya kahit saglit lang pero parang isang libong minuto at segundo na yun sakin. 

"Anak magtapat ka nga samin ng Papa mo. Ano ba kasing ginawa mo bakit ka na naman inaatake ng hika mo ha?" nag-aalala pang sabi ni Mama sakin nung ako'y nagsimula nang may maramdaman sa puso ko na masikip at dagdag pa rito ay parang naghahabol pa ang hininga ko

"Wala ito ma, wag na po kayong mag-alala sakin kaya ko pa naman" sagot ko pa sa kaniya para mapakalma ko man lang siya baka siya pa ang atakehin bigla sa puso nito eh

"Sweetheart pakiabot ng Nebulizer andiyan lang sa may kabinet. Bilisan mo na! Bilis!" tila natataranta pang anas ni Mama kay Papa habang ako'y kaniyang inalalayan papunta sa loob ng kwarto ko upang mapahiga niya ako 

"Narito na Sweetheart!" sigaw pa ni Papa sabay inabot kay Mama ang inhaler ko at umalis pagkatapos

"Salamat Sweetheart!" tugon pa ni Mama kay Papa sabay inabot din sakin ang inhaler ko at hinahaplos din niya ang buhok ko na kadalasan yun ang ginagawa niya sa tuwing inaatake nga ako ng hika ko

"Pasensiya ka na ma kung mapag-aalala ko kayo ni Papa" sabi ko pa kay Mama matapos kung gamitin ang inhaler ko habang pinagpapawisan din

"Anak sa susunod wag ka basta-basta nagsisilabas" bilin pa sakin ni Mama na nasa tonong nag-aalala sakin

"Ma, bakit di po kayo sumama sakin kina Tiya Marie?" tanong ko pa kay Mama na biglang nagpaseryoso pa lalo sa mukha nito 

"Alam mo kasi anak may mga bagay akong hindi masabi sayo kasi takot lang ako masaktan ka lamang ng husto. Ayaw ko lang kasi na palalain pa ang kalagayan ng puso mo. Mahirap na baka hindi pa kayanin nito" wika pa ni Mama sakin sabay itinuro ang tinutukoy nito at ako'y niyakap niya ng puno ng pag-aalala

"Hindi ko po makuha. Bakit kailangan ko pang maranasan ang ganito ma. Pinaparusahan ba ako? tayo? ng diyos ma? Sana hindi na lang totoo ang sabi ng doktor ko ma na hindi na po ako magtatagal sa mundong to. Sana po! Sana po talaga!" may pahagulgol ko pang wika saking Mama habang di parin mapigilang hindi magwala 

Chapter comments

0
You

Chapters

Chaptergather uses analytics cookies to understand how the site is used. See the Privacy Policy for details.