Wake Me Up When September Ends Five
Published
May 2015 ( Graduation para sa Flores De Mayo sa may chapel sa amin)
Sino naman ang mag-aakalang ang dating parang aso't pusa na turingan ng aming mga kapatid ng aking dakilang irog ay bigla-bigla na lamang magiging malapit na magkaibigan.
Oo tama kayo ng iniisip diyan dahil bago pa man nakarating kami sa puntong ito na gragraduate na sila sa kanilang Flores De Mayo na klase nila ay sa awa naman ni Lord itong kapatid ko at ang kapatid ni Franco Luis Torres na mahal ko ay napagpasyahan nilag dalawa ang magbati para na lang din sa katahimikan at ikakasaya naming lahat.
Quite lang kayo ha dahil ang totoo niyan inis na inis ako nung una sa kapatid ng aking irog mahal kong Franco Luis Torres sa kadahilanang hindi ko masikmura ang ugali nitong parang kasing asim ng manggang hilaw. Hehehehe pero ngayon na nakikita ko naman na marami-rami din silang pagkakapareho ng kapatid ko eh ayos na lang din sakin at nabawasan na rin kahit papaano yung inis ko sa kaniya.
Alam niyo ba sa mga nagdaang araw eh parang may napapansin akong mga ngiti sa labi nitong aking irog mahal kong Franco Luis Torres ngunit hindi ko lang maintindihan kung ano nga ba ang tunay na pakahulugan nito at kung saan ba nanggaling ang pinag-ugatan ng mga ngiting aking natatanaw sa kaniya sa malayo.
Sa tingin niyo ba ako kaya ang dahilan nito? o marahil natutuwa lamang siya na sa wakas naging mahinhing bata na rin ang kaniyang kapatid at ugaling tao din ito.
Gayunpaman, Bigla tuloy akong naiingit sa closeness ng kapatid ko sa kapatid ng aking irog mahal Franco Luis Torres kasi naman sa kaloob-looban nitong puso kong kasing lambot ng unan at ulap din sa langit ay may sumisilay na pag-asa na balang araw ay magiging katulad din namin sila o baka mas higit pa rito ang pwedeng maging relasyon namin sa isa't-isa.
Sana nga. Sana na talaga. May pag-asa pa. Alam ko may pag-asa pa kaming dalawa! Kunting push lang at hardworking magiging kami din talaga in the end. Alam ko yun dahil si Anna Flora Curtiz kaya ito!
"Kuya alam mo ba sobrang excited ako sa graduation namin ngayon ng friend ko" nakangiti pang wika ni Chlorine sa kuya nito habang napapasayaw pa at napapalundag ng matindi na nagpapahiwatig ng pagkasabik sa magaganap na graduation niya mamaya
"Oo alam ko, ikaw talaga ang cute-cute mo na tuloy. hali ka nga tayo na baka mahuli pa tayo sa graduation mo." wika pa ni Franco Luis sa kapatid niya sa mapagbirong tono ng boses nito habang hawak-hawak nito ang kamay ng kapatid niya na ngayon buong sigla pang tinatahak ang direksyon papunta sa Chapel na malapit kina Anna Flora Curtiz
"Kuya hindi ka ba masaya para sakin ha?" biglaan pang tanong ni Chlorine sa kuya niya habang naglalakad parin sila at magkahawak-kamay pa
"Bakit naman ako hindi magiging masaya? eh sobra ko ngang tuwa dahil nakikita ko na ngayon na you are growing as a good girl. Kaya keep it up little sis! Keep it up!" tugon pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay napahawak bigla sa ulo nito dahil sa bigla itong sumakit ngunit pinilit parin niyang tiisin na lamang para hindi mahalata ng kapatid niya na may parang hindi tama sa kaniya
"Kuya. Kuya. Okay ka lang ba? Hoy! Hoy!" tawag pa ni Chlorine sa kuya niya matapos mapansing napahinto ito sa paglalakad.
"Ano ka ba little sis. Ako hindi okay? Kailan pa naging mahina ako. malakas at masigla pa ang kuya mo at kailanman hinding-hindi magkakasakit!" pagmamalaki pang sabi ni Franco Luis sa kapatid niya sabay ngumiti ng malaki at flinex pa bigla ang mga braso nito sa harap ng kapatid niya
"Hahahahaha! Hahahahaha! Hahahaha!" pino at malakas pang halakhak ang iginanti ni Chlorine sa mga winika ng kuya nitong si Franco Luis kani-kani lang
"Little sis. Meron akong tanong sayo sana sagutin mo ako ng totoo ha. pwede ba?" wika pa ni Franco Luis matapos ang halos isang mahabang halakhak ng kapatid niya
"Ano naman iyun Big Bro?" nakangiti at bungisngis pang sagot ni Chlorine sa kuya niya
"Gusto ko lang malaman kung may crush ka ba kay Chloride?" halos natatawa pang tanong ni Franco Luis sa kapatid niya
"Kuya talaga! bakit mo naman naisip yan? ikaw ha ako pang pinaghihinalaan mong may crush eh mukhang mas ikaw pa nga ang may lihim na pagtingin kay Ate Anna hindi po ba?" giit pa ni Chlorine sa naging tanong ng kuya niya sa kaniya
"Hala! Paano mo naman nalaman? Bakit halata ba akong may gusto ako sa kaniya?" may pag-aalala pang sabi ni Franco Luis sa kapatid niya ngunit nasa isipan lamang pala niya ito dahil ang totoo naduduwag siyang maging tapat sa tunay na damdamin para sa dalagang si Anna Flora
"Kuya! Hoy! Kuya! Andito na tayo. Gumising ka na nga diyan sa panaginip mo! Kuya bingi ka po ba? Hoy!" malakas pang sigaw ni Chlorine sa kuya nito matapos marating na nila ang Chapel sa lugar nila Anna Flora
"Little sis. Sorry! Sorry! hindi ko napansin na andito na pala tayo. siguro inaantok pa ako kaya pasensiya ka na sakin ha." sagot naman ni Franco Luis sa kapatid niya na halos di magkamaliw sa katuwaan na nadarama nito para sa gaganaping graduation nito maya-maya lang
"Ayos lang po sakin kuya, pero ang mahalaga po sakin sa mga oras na ito ay ang makita mo akong magmarcha dito sa Chapel kasi naman sobra ko po itong ipinagpray kay God na sana matapos ko ang Flores De Mayo. Kaya hali ka na sa loob! panimulang wika pa ni Chlorine sa kuya nito
"Dahil maya-maya lang ay mag-uumpinsa na ang ceremony ng graduation namin! Kuya bilisan mo na! bilis! Hoy!" pang-eenganyo pang sabi ni Chlorine sa kuya nito sabay hila rito papunta sa loob ng chapel dahil sa parang may inaantay pa ito sa labas na dumating sa mga sandaling iyun
"Teka lang little sis. hindi mo ba napapansin na dumating na ang kaibigan mo na si Chloride at ang ate nito na si Anna?" malungkot pang tanong ni Franco Luis sa kapatid niyang sobra na ang pananabik sa graduation nito mga ilang sandali pa ay magsisimula na.
"Hindi kuya eh, pero hindi po yun ang importante kasi ang inaalala ko na makapagtapos ako sa Flores De mayo. Kaya kung ako sayo pasok na po tayo. Sige na kuya please! please!" pagkukumbinsi pa ni Chlorine sa kuya nitong ayaw parin sumunod sa kagustuhan niya sa mga oras na iyun
"Pasensiya ka na kapatid, pero pakiramdam ko may parang hindi tama sa mga nangyayari. Alam ko at ramdam na ramdam ko sa puso ko ang bahala at may halong lungkot pa. Kaya sana patawarin mo ako sa gagawin kong pag-alis ngayon. Paalam na at mag-ingat ka sana Mahal kita kapatid ko!" mga katagang sinabi ni Franco Luis bago tuluyang nilisan ang kapatid nitong nag-uumpinsa nang umiyak dahil sa naging desisyon niya sa araw pa mismo ng graduation nito
Sa puntong iyun ay tuluyan na ngang napaluhod sa lupa ang dapat sanang masigla at masayahing si Chlorine subalit ito ay kaagad napawi dahil sa isang malaking lihim na sinekreto nito sa kuya niya ang katotohanang alam nito tunay na pinanggalingan ng babaeng si Anna Flora at maging ang mga kaganapan sa hinaharap ay nakikita na din nito sa kaniyang mga panaginip o kahit sa pangitain man.
Kung sakaling naguguluhan kayo kung paanong nagkatagpo ang mga landas nila.
Ako na mismo ang magsasabing ang dahilan ng pagkukrus ng mga landas nila ay ang mismong kapatid ni Franco Luis na si Chlorine.
Dahil ang totoo niyan ay may kakayahan pala itong makita ang mga magaganap sa hinaharap at ang lihim na ito ay matagal-tagal na palang itinatago ni Chlorine at maging ng mga magulang ng magkapatid na Torres kay Franco Luis na kuya niya.
Bakit kamo nila ito inilihim kay Franco Luis? Hmmm... siguro para protektahan ang samahan ng magkapatid at ang higit sa lahat ang mamuhay ng matiwasay at normal ang batang si Chlorine.
Nabuksan lang naman ang portal sa ibang dimensiyon na kung saan doon lamang nag-eexist ang isang Anna Flora Curtiz dahil sa pangingialam ni Chlorine sa isa sa mga makinaryang inimbento ng Daddy nila na isang dalubhasa sa siyensiya.
Ang imbensiyon na yun ay may kakayahan palang makapagbukas ng iba't-iba pang dimensiyon sa daigdig at tinatawag pa itong Dimensional Machine Operator ng Daddy nila na pinangalanan pang Professor Fernald na gawa nito noong taong 2002 pa.
Paano na ngayon? gayung labis na ang koneksiyon na nabubuo sa pagitan nilang dalawa na galing pa sa magkabilang panig ng mundo.
Magtutuloy pa ba ang pag-aarangkada ng pag-ibig nila sa isa't-isa o basta na lamang matatapos ito lalo pa't sa posibilidad na malaman kaagad ni Chlorine kung papaano niya isasarado ang harang na nagkokonekta sa dalawang mundong ginagalawan nina Franco Luis Torres at Anna Flora Curtiz.
"Patawad din kuya, sana ipinagtapat ko na lang sayo ang totoo hindi sana hindi mo ito ginagawa sa sarili mo. Patawad Kuya! at sana maisaayos ko na ang lahat bago pa maganap ang mga pangyayaring tiyak magpapaguho ng buong buhay namin dalawa ni ate Anna." may halong iyak pang sambit ni Chlorine sa Kuya niya matapos tuluyan na ngang naglaho ito sa kinaroroonan niya
"Anak! Anak! Anak!" awtoridad pang tawag ng Daddy ni Franco Luis ng ito'y kaniyang makasalubong sa daan pa ng Roxas Boulevard
"Anong problema nitong anak kong gwapo? bakit parang may iniisip siyang mabigat ngayon?" pagtataka pang bulong nito sa kawalan habang sunod ng sunod sa anak nito na para bang walang patutunguhan sa ginagawa nitong pagtakbo kahit pa nasa gitna ito ng traffic
Samantala, habang namomobrelima ang Daddy ni Franco Luis sa pag-aalala sa anak ay ito namang ang kapatid ng binata ay napag-isip2 na niya kung papaano muling mapapalitaw ang dalagang si Anna Flora Curtiz sa mundo nila.
Paano nga ba? Mayroon kayang dapat na pindutin sa Makinarya pang tinatawag pang Dimensional Machine Operator si Chlorine upang maging posible ulit ang pagtatagpo muli ng kuya niya at ni Anna Flora Curtiz?
Ang mabuti pa ay magpatuloy lamang kayo sa pagbabasa upang sa ganun ay mas maintindihan ninyo at masundan pa kung saan nga ba hahantong ang kwento ng dalawa nating mga bida.
Kung sa kwento ba nila ay may happy ending o sad ending?
Sa hindi malamang dahilan ay bigla-bigla na lamang parang bumabalik sa pagtakbo ang relos kong kay luma na subalit umaandar pa naman ng maayos.
Teka nga lang. Patay na! ngayon ko lang napansin na ilang minuto na lang ay mahuhuli na ang kapatid ko sa graduation niya sa sinalihan nitong Flores De Mayo dito sa malapit samin
Oh yes! Yes! finally natapos na din ang season ng kakulitan ng kapatid ko at ngayon naririto na kami sa harap ng Chapel nag-hihintay sa pagdating pa ng ibang mga bata dito na gragraduate din.
But to my surprise, kani-kani pa pala dumating ang Irog mahal kong si Franco Luis at ang kapatid nitong si Chlorine na napakaanghel na nang pag-uugali ngayon.
"Ate lapitan ko muna si Chlorine po. Okay lang po ba sayo?" pagpapaalam pa sakin ng kapatid ko matapos makita sa di kalayuan ang kaibigan na niya ngayon na si Chloride
"Sige lang. basta mag-ingat ka ha baka magusot pa at madumihan pa yang maputi mo pang polo!" may pagbibilin ko pang wika sa kapatid ko
"Salamat ate kong maganda!" pambobola pang wika nitong kapatid ko na sobra ding excited kahapon palang walang ibang bukambibig kundi ang tungkol sa graduation niya
Hindi ko talaga mawari sa aking sarili kung bakit tila ba bigla-bigla na din namang bumabagal ang paggalaw ng mga kamay ng relos ko ngayon eh kani-kani lang ay mabilis ito sa pag-abante pa balik. Ewan ko ba parang sirang-sira na talaga ito buti pa ipaayos ko na lang kaya. Buti pa nga!
"Hello Chlorine. Kamusta ka naman?" wika pa ng kapatid ko sa harap pa ng kaibigan nitong si Chlorine
"Heto, masaya naman." tipid pang sagot ni Chlorine sa kapatid ko
"Oyy! Ang gwapo ng datingan natin ngayon ha pare!" biglang singit pa ni Franco Luis sa usapan ng mga kapatid namin
"Salamat pare!" wika pa ng kapatid ko sa kaniya sabay ginawa ang bro shake hands nila na power cross and punch pa kung tawagin nila
"Akala ko talaga, hindi kayo tutuloy sa graduation pero buti na lang dumating na kayo sa wakas kaya ang saya-saya ko pare sobra!" sabi pa nito na halos di mapigilang hindi mapangiti ng malaki sa harapan pa ng kapatid nito at sa kapatid ko pa
"Bakit mo naman naisip yan?" may pagtataka pang tanong ng kapatid ko kay Franco Luis
"Kasi kani-kani lang, pare nung hinahanap ko kayo ng ate mo sa mga tao dito ay wala silang ibang sinasabi kundi hindi nila alam at kilala daw ang mga taong nagngangalang Anna Flora at Chloride kaya labis talaga akong nalungkot dahil sa mga pinagsasabi nila. Kaya naman tuwang-tuwa ako na totoo talaga kayo ayaw ko lang kasing lumabas na parang nasisiraan na ng pag-iisip dito ano!" tila natatawa pa niyang salaysay sa kapatid ko
Dahil nga sa pagkainip ko ay, hindi ko napigilang hindi lumapit sa kinaroroonan nila at makisali na rin sa kulitan nila.marahil ayaw ko lang mainggit sa Closeness nilang tatlo kaya naman lumapit na ako upang sa ganun makita ko ng malapitan kung gaaano kaganda ang ngiti na inilalabas ng bibig ng Irog mahal kong Franco Luis Torres.
"Chlorine anong ginagawa mo, sa imbensiyon na gawa ko pa noong 2002? Akala ko ba hindi mo na ito pinapakialaman? Hoy anak! itigil mo na nga ang ginagawa mo sa kuya mo!" pagpigil pa ng Daddy ni Chlorine sa kaniya ng mahuli niya itong may pinipindot sa Makinaryang inimbento nito noon pang taong 2002
"Daddy pwede ba hayaan mo na ako. Kasalanan ko ito lahat eh!" may pagmamaktol pang wika ni Chlorine sa Daddy niya
"Gusto mo ba talaga, tuluyang gawing baliw ang kuya Franco mo ha? Ano na anak? titigil ka na ba o sisirain ko yan ng matapos na itong pananakit mo sa damdamin ng kuya mo ha." may pagbabanta pang sabi ni Professor Fernald sa anak na si Chlorine
"Hindi po Daddy, ang nais ko lamang po maging masaya sila pareho ni Ate Anna." pagdadahilan pa ni Chlorine sa Daddy niya sabay pinindot parin ng pinindot ang controller ng Dimensional Machine Operator hanggang sa naimax na niya ang galaw ng oras sa mundo nila Anna Flora at sa mundo nila ng Kuya nitong si Franco Luis
"Hindi!...................." mahaba pang sigaw ng Daddy ni Chlorine bilang pagpigil sa binabalak ng anak nito subalit huli na ang lahat dahil tuluyan na napagtagumpayan nito ang inaasam niyang mangyari
"Mga ilang sandali na lang ay mag-uumpinsa na ang graduation ng mga butihing bata na sumali sa Flores De Mayo ngayong taon.
Kaya naman inaanyahan po namin, ang mga ibang taong naninirahan sa lugar na ito na kung maaari ay pumunta na kayo dito sa kapilya upang sa ganun mayroong makasaksi sa napakahalagang tagpo sa buhay ng mga anak ninyo o kahit pa sa mga kabataang ito na walang takot at pag-aalinlangan na tinapos ang pag-aaral sa mga magagandang leksyon na hatid ng pinakadakilang babae sa lahat walang iba kundi si Birheng Maria." malakas pang anunsyon ng presidente ng Chapel sa lugar nila Anna Flora
Lahat ng mga bata ay nasipagtakbuhan na dahil ang kampana ng kapilya ay tumunog na.
Hudyat ito na ang seremonyas sa kanilang pagtatapos ay magsisimula na din.
Heto ay sinimulan pa ng pagdarasal para sa opening prayer ay isinigawa ito ng butihing at palangiti pang presidente ng kapilya at ito ay si Segunda De Valencia na isang mayamang Donya sa Barrio ng Apolinario.
Alinsunod dito, ay ang pag-perform ng mga bata na kasali sa Flores De Mayo. Matapos nito ay, nasipag-upo muna ang mga bata upang pakinggan sandali ang huling mensahe ng dalawang guro na nagturo sa kanila ng pananampalataya at mga aral na may impluwensiya kay Birheng Maria.
"Nais ko lamang batiin aking mga estudyante, sa inyong pagtatapos ngayon sa Flores De Mayo. Hinding-hindi ko kayo malilimutan mga bata! Nawa ay kayong lahat na nasipagtapos ay lumaking mabubuti at palaging may pananampalataya sa diyos hindi lamang kay Jesu Kristo kundi pati na din sa nag-iisang pinakadakila sa lahat na si Birheng Maria. Mabuhay at sana kayong lahat ng mga bata ay ipalaganap ninyo ang mga natutunan ninyo sa klase natin sa Flores De Mayo!" taos-puso pang mensahe ni Teacher Shira sa mga batang tinuruan niya sa Flores de Mayo na magtatapos na rin sa wakas
"Ngayon pakinggan natin, mga bata at kayong mga magulang din ang pinakahuling mensahe ng ating isa pang guro ng mga bata si Teacher Aishelle!" anunsiyon pa muli ni Segunda sa mga bata at mga magulang bago pa ibinigay ang mikropono kay Teacher Aishelle para masabi na rin nito ang pinakahuling mensahe din niya sa mga naging estudyante niya sa Flores De Mayo
"Maraming salamat sa inyong lahat, na naririto. nais ko lamang na pasalamatan ang mga magulang sa pagpapalaki at pag-aalaga ninyo sa mga anak ninyo.
Dahil sa loob lamang ng isang buwan ng pagtuturo ko sa mga bata ay marami-rami din akong natutunan mula sa kanila Kaya maraming salamat talaga!
Aking din papasalamatan ang mga bata dahil sa inyo hindi ko din magagampanan ng maayos ang pagiging guro ko kung hindi dahil sa mga bagay na itinuro din ninyong lahat sakin.
Tandaan ninyong lahat ito mahal na mahal kayo palagi ni Teacher Aishelle Kaya naman isa lang hiling ko.
Sana wag na kayong maging pasaway para hindi nagkakasakit ng ulo ang mga teacher ninyo sa hinaharap. At tiyaka nga pala, gusto ko din pasalamatan ng malaki ang ating panginoon kundi dahil sa kaniya walang Jesu Kristo at Birheng Maria tayong pinaniniwalaan at naghahatid ng magandang impluwensiya lalong-lalo na sa inyong mga bata. Kaya muli ako si Teacher Aishelle na mag-iiwan ng huling mensahe sa mga bata. Lumaki kayong malusog,masaya at higit sa lahat may takot sa diyos!" taos-puso ding wika ni Teacher Aishelle sa mga bata sabay napaluha bigla sa kaniya
Nasipaglapit ang lahat ng batang estudyante na tinuruan pareho nina Teacher Shira at Teacher Aishelle naging parang emosyonal na tagpo ang naganap sa pagitan ng mga guro at sa mga mag-aaral na tinuruan nila ng salita ng diyos ang sandaling iyun.
Ganun din naman ang epekto kina Chlorine at Chloride napaluha din sila dahil sa kaisipan na hindi na nila muli pang makikita ang dalawang gurong napamahal na sa kanila.
Pati nga si Anna Flora ay nahawa din sa pagiging emosyonal ng mga bata. At dahil na rin dito ay napaisip siya bigla kung sakali mang magkakalayo silang dalawa ni Franco Luis. Ano kaya ang maaaring maging reaksyon niya at ano ang kaya ang magagawa niya upang mapigilang mangyari yun.
Dahil nasa isip palang niya ay parang hinahati na ang puso niya.
Subay-bayan niyo lang ang kwento hanggang sa katapusan nito ha!
P. S Mysterious embrace
Chaptergather