Wake Me Up When September Ends Four
Published
Aba pagpasensiyahan niyo na ulit ako ha.
Di ko lang talaga mapigilan ang aking sarili ang hindi mahulog sa kaniya ng ganito kabilis.
Oo mabilis pero hindi kasing bilis ni flash pero mas mabilis pa ata kay flash kung tutuusin eh.
Sana ay hindi kayo nababagod diyan kakabasa nitong kaartehan at pagiging ignorante ko dahil ika pa nga ng aking kapatid na si Chloride Sowey! Sowey! Sowey! Sowey! Sowey!
"Chlorine! Chlorine! Hoy Chlorine!" pagtawag pa ni Franco Luis sa kapatid nito habang hinihingal ito sa pagtakbo para sundan lamang kung saan direksyon patungo ang kapatid niya
"Saglit lang. tumigil ka muna kasi ako itong hinihingal sa kakatakbo mo eh" sabi pa niya matapos tumigil muna sandali sa pagtakbo upang habulin lamang ang kapatid niyang daig pa ang sumali sa pabilisan ng pagtakbo sa pagiging maliksi nito sa takbuhan
"Kuya naman eh" naiiyak pang wika nito kay Franco Luis habang tumigil ito sa pagtakbo at napaupo sa isang upuan na medyo may kalayoan sa kapilya
"Anong kuya ka diyan? kuya mo ba ako ha?!" galit-galitan pa siya sa kaniyang kapatid sabay umupo ito sa tabi ng kapatid niya at sinimulan din itong kausapin
"Kuya naman eh binibiro mo lang ba ako ha" wika pa ni Chlorine sa kuya niya
"Biro? hindi noh seryoso ako" giit pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay tinignan ito ng makahulugan
"Hindi nga kuya, paano yan mukhang nagsisinungaling ka lang sakin hindi ba?" tanong pa ni Chlorine sa kuya nito na may paninigurado pa ang tono ng boses nito
"Paano kung hindi, may magagawa ba ako ha upang mabago ang katotohanang hindi kita tunay na kapatid?" sabi pa ni Franco Luis sa kapatid niya sa napakaseryosong ekpresyon pa ng mukha
"Kuya Franc pinaprank mo lang ba ako ha?" seryoso pang tanong ng kapatid ni Franco Luis
"Anong prank sa sinabi ko, totoong-totoo kaya ito" sagot pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay tinignan ito ng malalim
"Kuya bawiin mo yan! sabi nang bawiin mo yung sinasabi mo sakin na hindi ako ang kapatid mo!" sobrang lakas pang sigaw ng kapatid niya habang nangingilid na ang mga luha nito sa mata
"Ayaw ko nga" parang nanunukso pang sabi ni Franco Luis
"Pangako kuya pag binawi mo na di moko kapatid eh, manghihingi na ako ng tawad doon sa batang nakabunggo ko kanina" panunumpa pa ng kapatid nito sa kaniya
"Ano nga ulit sinabi mo, hindi ko marinig?" wika pa niya na parang nabibingi pa sa sinabi ng kapatid nito
"Ang sabi ko, manghihingi na ako ng tawad!" pasigaw pang wika ni Chlorine sa kuya niya para marinig nito ng malinaw kaniyang sagot
"Pakiulit nga. Ano nga ulit sinabi mo hindi kasi malinaw ang pagkakabigkas mo eh ang hirap lang intindihin" saad pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay inilapit ang tenga nito sa bibig ng kapatid
"Ang sabi ko manghihingi ako ng tawad sa bata at sa ate niya para matapos ang gulo" ani Chlorine
"Hindi ko parin talaga marinig ng klarong-klaro eh!" pagrereklamo pa ni Franco Luis sa kapatid niya
"Nakakainis ka talaga kuya" nakasimangot pang sabi ni Chlorine sa kuya niya
"Bakit naman batang bugnutin?" pabiro pang tanong nito sa kapatid niya
"Naku ikaw talaga kuya ang sama ng ugali mo lalo na pagdating sakin!" bulyaw pa ni Chlorine sa kuya niya sabay tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan na malapit lang sa parke
Umiral na naman ang pagiging iyakin ng kapatid ni Franco Luis Torres ano na nga lang ba ang gagawin ko kung saka-sakali dumating ang araw na parang magpapaguho ng buong buhay namin pareho nitong may pagka pilya pang batang nito ha aber?
Ano bang mas masakit ang malamang mahigit sa ilang buwan na lang ang itatagal ko sa mundong ito o ang harapin balang araw ang isang bagay na di kapani-paniwala pero totoo ngang nakatakda na mangyayari sa hinaharap?
Ayaw ko pa naman sana magdrama sa pagkakataong ngayon ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na maging ganito kaapektado lalo pa't hindi ko makuha kung bakit kailangan ko pang magdusa sa kakaisip sa mga bagay na sobrang ang gumugulo parin sakin.
Bakit hindi ko man lang napansin dati pa lang na may kung ano nang kakaiba sa ikinikilos niya?
Meron nga ba?
Siguro nga mayroon pero ang kaso hindi ko man lang namalayan na may lihim pa pala siyang hindi sinasabi sakin bukod sa ayaw nito sa panahong tag-ulan.
"Hayy naku Chlorine, hindi ka na mabiro" natatawa pang wika ni Franco Luis sa kapatid niya habang sinusubokan itong patahanin sa kakangawa nito
"ikaw kasi kuya bakit mo pa kailangan ako biroin ng ganoon ha?" naiiyak paring sabi ni Chlorine sa kuya nito
"ikaw rin eh, ang kulit at ang tigas din ng ulo mo" pangatuwiran pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay niyakap ang kapatid ng mahigpit
"Opo matigas na ang ulo ko kuya eh ganito na talaga ako" sagot pa ni Chlorine sa kuya niya habang yakap-yakap ito
"Eh pwede ka pa naman magbago di ba?" tugon pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay kinaliti ito sa baywang
"Kuya! Kuya naman eh! tigilan mo na ang pangingiliti sakin! parang awa mo na! tama na! tama na!" may mahihinanang pagtawa pa ang binitawan ni Chlorine habang kinakausap ang kuya nito na tigilan ang pangingiliti sa kaniya
"Basta mangako ka sakin bunso na hihingi ka ng tawad sa bata at sa ate din niya naintindihan mo ba?" sabi pa ni Franco Luis sa kapatid matapos itong kilitin ng husto sa beywang nito
"Oo nga po Kuya, basta wag mo na akong bibiroin ulit na hindi moko kapatid kasi alam mo namang masasaktan ako ng sobra" nakabusangot pang wika ni Chlorine sa kuya nito
"Oo na, kaya halika na bumalik na tayo doon sa may chapel at nang makahingi ka ng tawad sa kanila" pagpapaalala pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay tumayo mula sa kinauupuan nito at hinila ng mabilis ang kapatid at siyaka tumakbo ng madalian pabalik sa daan papunta sa may chapel
"Kuya. Kuya. Kuya." mahihina pang pagsambit ni Chlorine sa kuya Franco Luis niya habang tumatakbo ito patungo sa may chapel
"Bakit kapatid, may problema na naman ba?" may pag-aalala pang tanong ni Franco Luis sa kapatid niya habang tinatahak ang daan pabalik sa chapel
"Kasi kuya nag-aalala ako sayo, ilang beses na kitang binibigyan ng sakit ulo at ngayon ko lang narealize na napakapasaway ko pa lang kapatid sayo.kaya naman simula sa araw na ito ay gagawin ko na ang makakaya ko para hindi ka na nahihirapan pa ng dahil sa akin" seryoso pang wika nito sa kuya niya habang tumigil muna sila sa pagtakbo upang makapag-usap ulit ng maayos
"ikaw talaga chlorine, kung makapagsalita ka diyan eh daig mo pa ang matanda. Ano ka ba wag na wag mong iisipin na pabigat ka sakin dahil hindi yun ganun kasi ang totoo niyan magmula nang ipinanganak ka wala na akong ibang hinangad kung ano ang makakabuti sayo at lagi mong itatak sa isip at puso mo mahal na mahal ka ng kuya" malambing pang sabi ni Franco Luis sa kapatid niya sabay niyakap ito ng marahan
"Kuya tama na itong yakapan natin" saad pa ni Chlorine sa kuya niya sabay bumitaw muli sa pagkakayakap nito sa kaniya
"Pasensiya ka na chlorine napasobra ng yakap si kuya" nakangiti pang wika ni Franco Luis sa kapatid niya at mabilis na kumawala sa yakap nito sa kaniya
"Okay lang kuya,ang mahalaga ngayon ay magpapakabait na ako at gusto ko rin naman maging kaibigan ang batang nakabunggo ko kanina kasi ang totoo niyan nakyukyutan ako sa kaniya" pag-amin pa ni chlorine sa kuya niya sabay nagsimulang maglakad ulit habang nakahawak sa kamay ng kuya nito
"Akala ko talaga, magmamatigas ka pa mabuti na rin na natuto ka nang maging mabait ulit at yan naman ang namiss ko sayo" nasisiyahan pang sabi ni Franco Luis sa kapatid niya
"Kuya asan na ba tayo?" tanong pa bigla ng kapatid nito
"Magandang balita chlorine!" nakangiti pang sambit nito sa kapatid niya habang napagtantong narating na nga nila ang lugar malapit sa chapel
"Anong ibig mong sabihin kuya?"may pagtataka pang tanong ni Chlorine sa kuya niya
"Andito na tayo ulit sa may chapel!" puno pa ng galak ang boses nito habang sinasabi ito sa kapatid niya
"Talaga kuya? totoo ba talagang nakabalik na tayo dito sa may chapel?" paninigurado pang tanong ulit ni Chlorine sa kuya niya sabay inilibot ang paningin nito para makasigurong tamang lugar lang ang kanilang narating
"Oo nga ang kulit mo naman" sagot pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay naglalakad papasok sa loob ng chapel upang silipin kung may tao pa ba o andoon parin ba batang mag-aaral ng Flores De Mayo
"Kuya bakit walang mga bata dito?" laking pagtataka paring tanong ni Chlorine sa kuya niya sabay makitang wala ngang kahit anong bakas na may mga bata sa loob o kahit isang supot man lang ng plastik na pinaglagyan ng mga meryienda kanina
"Baka umalis na sila Chlorine" pangatuwiran pa ni Franco Luis sa kapatid niya matapos madismaya sa kaniyang nasaksihan
"Balik na lang siguro tayo, dito bukas kuya" tugon pa ni Chlorine sa kuya niya sabay hinila ito palabas ng chapel
"Sige bumalik na lang tayo, bukas siguro naman makikita din natin sila ulit hindi ba?" tila may pag-aalinlangan pang sabi ni Franco Luis sa kapatid niya
"Oo naman kuya, kaya halika na dahil kanina pa ako nagugutom eh. Bilisan mo na! Tara na!" aligaga pang wika ni Chlorine sa kuya niya sabay mabilis itong hinila upang sabayan siya sa paglalakad patungo sa kanilang bahay malayo sa direksyon ng chapel
Sino ba namang mag-aakalang sa ganitong paraan pa kami magkakaharap muli kung kailan nagkainitan ang dalawa pa naming mga kapatid. Sana talaga ay magkaayos na sila para kaming dalawa ni Franco Luis ko ay maging mas close pa sa isa't-isa na parang tila close-up ang dating.
Kayo ba may pagkakataon ba sa inyong buhay na umibig kayo ng mabilisan?
Yung tipong dinaig pa ang Isang Linggong Pag-ibig at si Flash sa pagiging mabilis.
Ako kasi Oo ang sagot ko diyan.
Bakit?
Tinatanong pa ba yan. Aba shempre si Franco ang isa numero unong dahilan.
Si Franco lang simula noon at hanggang ngayon, siya ang nagsilbing ilaw sa mundo kong sobrang nababalot ng dilim. Dahil sa pagdating pa lang niya sa buhay ko ay nagkaroon na din ako ng rason para mas mabuhay pa ng matagal dito sa mundong ibabaw.
At kung sakali mang papipiliin ako ulit kung sino ang nais kong makasama muli yun ay marahil walang iba ang nag-iisa at bukod-tangi sa lahat ng aking nakilala si Franco Luis Torres na aking sinisinta.
Sabihin niyo mang kahinaan ng maituturing na ako'y sa kaniya'y magpapaalipin ngunit nagkakamali kayo.
Sapagkat kung wala siya ay wala ding Ana Flora Curtiz na tumatapang pagdating sa usapang puso.
Para sa akin, hindi sapat na siya'y aking masilayan lang dahil aanhin ko naman ang makita siya kung hindi ko man lang magawang makasama siya ng matagal na tuloy-tuloy at lalong walang mga hadlang na pilit na manghihimasok sa koneksyon na nag-uumpisa ng sumibol sa aming bawat kaluluwa.
Kaluluwa na nagpapahiwatig ng tamang ritmo sa aming bawat pagkatao.
Hanggang saan ang kakayanin ng pusong ito na medyo may pagkamahina pa at hindi magawang lumaban ng grabehan?
Sana man lang bago magtapos ang buwan ng Mayo ay magawa ko na ring humayo sa mga posibilidad na mahirap kalabanin ang sakit lalo pa't kung ito ay hindi basta-basta na umaayaw na lang at tanggapin ang kapalaran na nabigo siyang magwagi sa anumang hamon na binabato pa sa kaniya ng buhay.
Tinangka ko sanang magpaiwan sa mga magulang at kapatid ko kaso isa parin ang napala ko sa dulo at yun ay ang kabiguan na siya'y mapaligaya ng buong puso't kaluluwa.
Lingid sa kaalaman ng lalaking ito ay, nagtatago ako sa mga gunita ng aming nakaraan. Baliw man kung inyong iisipin ngunit ganun nga talaga siguro kong umiibig ka na hindi mo na alam kung saan, kailan, at kung paano nag-umpinsa ang pag-ibig basta yun na yun pag tinamaan ka talaga ay paniguradong mahihirapan ka nang umatras at makatakas sa nagbabadyang bugso ng iyong puso.
Kung ako ikaw ano naman kaya ang gagawin mo?
Lalaban ka pa ba O basta na lang susuko sa pag-ibig na pinakaninanais mong makamtan?
Chaptergather