Umpisa ng transmigration.
Published
Um-attend ako ng concert nila. First time. Grabe ang experience. Hindi ko makalimutan. Simula nun naging avid fan, hanggang sa naging dedicated fan na nila ako. Sinusundan ko sila lagi. Naging delusional fan na rin. Ang ga-gwapo din kasi. Kahit mga trentahin na.
Si Zeph, ang pinaka-matanda sa grupo, pero mukhang pinaka-bata. Magaling mag-rap.
Si Bosch, ang boss ng grupo, leader. Composer ng mga songs nila.
Si Syl, ang aking bias. Maganda ang build kasi mahilig mag work-out. Pinakamataas ang boses.
Si Han, ang astig na rockstar ng grupo. Tall, dark and handsome. Nakaka-inlove ang low husky voice nya.
At si Joe, ang bunso. Creative member nila. Nagdi-direct sya ng karamihan ng mga music videos nila.
Together they are the Sonaves. Pinoy pop group icon.
May kakaibang hatak sila kapag nagpe-perform. Inspiring at nakaka-inlove.
Pero may napansin lang ako mula nung maging fan nila.
Parang laging mabigat ang dibdib ko, literal. Parang may nakadagan. Pati sa ulo. At yung mga panaginip ko, sobrang vivid. Parang totoo.
May nangyayari kayang masama sakin, dahil sa pagpa-fangirling ko?
"Pacheck-up ka kaya 'no? Para malaman natin bakit parang nauubos energy mo imbes na sumigla ka after mo mapanuod ang Sonaves?" Sabi ng isang kaibigan sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Hindi naman siguro ito Psychological. Wala naman akong napapabayaan na kahit na ano.
Nagagawa ko naman lahat ng responsibilidad ko bilang nanay, anak, at empleyado. Maayos din ang social life ko at masaya ako sa konti kong friends.
Single mom ako, nakatira sa nanay ko. Siya ang katuwang ko sa nag-iisa kong anak. Mas matanda ako sa mga iniidolo ko. Pero wala namang masama dun may mga mas matatanda pa nga sakin.
Weird lang siguro na may kakaiba akong nararamdaman sa katawan.
Mabigat na dibdib at ulo, mga panaginip na parang totoo. Nangyayari kahit walang triggers.
Lahat nag-umpisa dahil sa Sonaves.
"Friend, hindi na tayo tuloy sa park. Cancelled yung meet and greet ng boys duon." Sabi ng isa kong friend na fan din, tinawagan nya ako sa number ko.
"Thanks friend," sagot ko, "Eh pero bakit daw?"
"Nagka-emergency yung isang member, nagpa-ospital." Sagot nya.
"Napaano siya?" Tanong ko.
"Hindi na nila dinitalye, pero punta tayo sa café sa kanto. Andun yung isa nating kasamahan birthday kasi nya...."
Bigla, hindi ko marinig ng malinaw ang kausap ko sa cell. Bumigat ang ulo ko at umugong ang dalawa kong tenga.
"Friend? Genie? 'And'yan ka pa ba?"
"H-ha?" Nasabi ko habang unti-unti nang nawawala yung pag-ugong, " friend 'di na ko sasama. Biglang sumama yung pakiramdam ko eh." Sinabi ko agad.
"Ay naku friend, 'ayan ka na naman. Pacheck-up ka na, ha? Tawagan mo ko kapag kailangan mo nang kasama."
Nagpasalamat ako sa kanya at ibinaba na ang tawag.
Tumingin ako sa salamin at inobserbahan ang sarili ko. Hindi naman ako namumutla, o nangangalumata, maayos ang itsura ko.
Pero may mabigat sa dibdib ko. Parang anumang sandali mahihirapan akong huminga.
Umugong uli ang tenga ko. Malakas. Napahawak ako sa dibdib ko, ang sakit.
Maya maya pa, dumilim ang paligid.
Pagdilat ko uli, nasa isang kwarto na ako na malamig. May swero sa isa kong kamay.
Sa isa kong kamay, may nakahawak.
"Babe! Babe, thank God!" Sabi nung may hawak sa kamay ko sabay yakap sakin.
Nagulat ako sa ginawa nya.
Babe?!
Teka lang, single mom ako oo. Pero wala akong jowa.
Sino to?
Tinitigan ko ang yumakap sakin. Nalaglag ang panga ko pagkakita sa kanya.
Si Syl ng Sonaves!
Bias ko to eh. Jowa ko yung bias ko? Pano nanyari yon?
Panaginip ba to?
"Babe? Ok ka lang?" Maiiyak nyang sabi. Nagtaka yata sya sa naging reaksyon ko pagkakita sa kanya.
"A-ah, o-okay lang ako." Nasabi ko na lang.
May pumasok sa kwarto. Babae. Mas matanda sakin ng konti. Maganda.
Tinapik nya sa balikat si Syl, "okay na sya sabi ni Doc. Pwede na natin sya ilabas."
Tapos tumango sya sakin at ngumiti.
Saka ko lang sya nakilala. Nanay sya ni Syl.
Totoo ba to?
May jowa ako.
Popstar?!
Bongga pala maging jowa si Syl. Todo alalay. Para akong prinsesa.
Ramdam ko habang palabas kami ng ospital.
"Okay na ko. Kaya ko na." Natatawa kong sabi sa kanya.
Nakaalalay pa rin sya pagsakay sa kotse.
Bongga.
Pero sa luob-loob ko, nagtataka pa rin ako. Di ba nya alam na sampung taon tanda ko sa kanya?
Pano naging kami?
Nananaginip lang talaga siguro ako.
"Daan muna tayo sa favorite place nyo, para makakain. Bago natin ihatid si Thessa pauwi." Sabi ng mama nya.
Thessa? Sinong Thessa?
"Are you alright, Thessa? Hindi ka ba nahihilo?"
Ha?
Sa akin sila nakatingin.
"A-ah. Ok lang ako." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Ako yung Thessa?
Hala.
Napahawak ako sa mukha ko, napatingin sa repleksyon ko sa tinted na salamin ng sasakyan.
Ako pa rin naman. Kilala kong sarili kong mukha.
Pero bakit naiba pangalan ko?
Napunta ba ko sa buhay ng ibang tao? Pero ako pa din to. Pangalan ko lang naiba.
Pangalan ko nga lang ba?
Tumingin ako sa paligid.
Hindi ito yung lugar ko. Hindi ako dito nakatira.
Ano'ng nangyayari?
May humawak sa kamay ko.
"Babe?"
Nakatingin sakin si Syl. Nag-aalala ang mukha.
Pinilit kong ngumiti. Hinawakan ko din ang kamay nya.
"Ok lang ako."
Pero sa kabila ng isip ko, litung-lito ako.
Panaginip ba to, o may nangyayaring hindi ko maipaliwanag?
Patay na ba ako? Kabilang buhay na ba to? Pero bakit parang hindi totoo?
Merong mali.
Na-traffic. Huminto ang kotse namin sa tapat ng isang construction site. Kahit punung-puno ako ng pagkalito, napako ang tingin ko sa isang trabahador duon.
Pamilyar siya.
Kahit madumi at puno ng alikabok dahil sa ginagawang trabaho, lutang ang aura sa suot nyang tshirt na may longsleeve sa ilalim. Pantalon na maluwag at nakatali ang medyo mahabang buhok.
Lumingon pa siya sa gawi ko na para bang alam nyang may nakatingin sa kanya.
Na para bang nakikita nya ako sa tinted na salamin.
Kumunot ang nuo ko pagkakita ko sa kabuuan ng mukha nya.
Si Bosch ba yun?
Nagko-construction?
What?!
At nakatitig sya sakin ngayon na para bang walang tint yung salamin ng sinasakyan kong kotse.
Nakanganga ako sa pagkamangha.
Ang gwapo pa din nya kahit gusgusin!
Naramdaman kong umangat ang isa kong kamay na hawak ni Syl. Napatingin ako sa kanya.
Nakaturo ang hintuturo nya sa pinagmamasdan kong construction worker, " Kilala mo?"
Lumingon ako sa nasa labas tapos kay Syl uli, "Ah, h-ha? Hindi. Kamuka lang." Sabi ko.
Anak ng Junard.
Nyare?
Bakit yung lider ng Sonaves, nasa construction?
May mali talaga.
Huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang cafe'. Amoy na amoy agad ang mga aroma ng pagkain pagpasok namin sa loob. Napahinto ako.
Parang totoo na parang hindi.
Naaamoy ko ang paligid, pano naging panaginip to?
Pero hindi rin to totoo.
Napansin ni Syl ang paghinto ko. Nakatingin sya sakin na nagtatanong ang mga mata kung ayos lang ba ako.
Ngumiti ako. Humawak ako sa braso nya. Nagulat din ako sa ginawa ko. Pero ayaw ko kasi syang nakikitang nagaalala.
Wow, parang tunay na jowa.
Kung ano man to, sasamantalahin ko na.
Sigurado matatapos din to. Parang isang kwento na may wakas.
Naupo na kami, si Syl ang lumapit sa counter para umorder. Naiwan kami ng mama nya. Nag kwentuhan kami.
Para lang kaming magkapatid. Parang matagal nang magkakilala. Parang lang.
Sandwich at iced tea ang binigay sakin ni Syl. Pasta sa kanilang mag-ina. Kinabahan ako habang kumakain.
Sobrang tindi ng panaginip na to nalalasahan ko ng kay inam ang pagkain.
May led tv sa loob ng cafe' sa may counter. Nagtaka ako sa patalastas na lumabas. Collab show yun ng isang pop group at ng isang fashion icon.
"Ano'ng nangyari? Sonaves dapat yun ah." Naibulalas ko.
Hindi ko alam kung dala ba ng masarap na pagkain, o ng pagkalito kaya ko nasabi yun.
Napatawa si Syl.
Nagtaka ako.
"Hindi naman sumikat yun sila."
Ano daw?
Teka lang.
Wag na wag mong sasabihin yan sa fans ng Sonaves kundi magkaka- world war V.
Tama ba yung narinig ko?
So may mali nga dito.
Una pa lang eh.
Jowa ko si Syl.
Nagko-construction worker si Bosch.
Almost everything's not right yet feels so true.
Habang iniisip ko yan, nawalan ako ng gana kumain.
Parang bigla kong naramdaman yung 'distort' sa paligid.
Yung feeling na para kang na-trap sa isang lugar at di ka na makaalis.
Bigla akong nalungkot. At natakot.
Makakaalis pa ba ko dito? Matatapos pa ba to? Makakabalik pa ba ko sa buhay ko kasama ang anak at nanay ko?
Takot na para bang may nakamasid sakin at may balak na masama. Naghihintay lang ng tamang pagkakataon.
Napatingin ako sa table di kalayuan sa mesa namin.
Na para bang naghahanap ng sagot.
Dun sa table may nakaupo. Naka-hoodie na black.
Parang may sugat sya sa mukha. Pero mukha syang pamilyar. Seryoso sya na para bang may galit sya.
Nanlaki ang mata ko nang makilala ko sya.
Si Zeph!
At nakatingin sya sakin, na para bang masama ang loob sa mga nangyayari.
Alam kaya nya na may mali?
Chaptergather