Chaptergather
Loading…

Winner takes it all

In progressYoung Adult
TagalogHuman-written

Synopsis

Si Oliver Suarez, isang 19-anyos na binata, ay may isang pangarap na sinusubukang abutin nang buong lakas – makita ang sarili niyang tumatakbo sa entablado ng Sea Games at makasungkit ng gintong medalya sa larangan ng running. Sa pag-aakalang hindi niya kayang pantayan ang mga kilalang atleta, layunin niyang patunayan hindi lamang sa ibang tao kundi lalo na sa sarili niya na kaya rin niyang maabot ang tuktok ng kanyang larangan at igawad ng karangalan ang bansang kanyang kinabibilangan.

Motivation ni Oliver

Published

Hindi nasilayan ni Brenda si Oliver sa buong campus hinahanap niya ito kahit saan kahit anong contact niya sa phone ay hindi ito sumasagot

"Saan na ba ang lalaking yon" ani Brenda sa kanyang sarili gusto lamang sana niyang tanungin kung ano na ang naging resulta sa try-out kahapon

Bakit buong araw itong hindi nagpakita sa kanya ni hindi man lang nagsabi

"Ang mabuti pa puntahan ko na lang siya sa track in field at baka naroon siya" sabi ni Brenda sa kanyang sarili

Nagsimula na siyang kumilos naisip niyang puntahan ang bestfriend niya sa track in field kung saan doon ito madalas tumambay lalo na kapag nais mag-isa

Kabisado na niya ang bawat galaw at kilos ni Oliver lalo na kung saan ito pupunta

Nagmamadali siyang nagtungo roon

Maya-maya pa nakarating na siya sa track in field hinagilap niya ito patingin-tingin si Brenda sa bawat sulok

Sa wakas ay nakita niya naroon lamang pala sa pinakaliblib na bahagi kaya nahirapan din siyang hanapin dahil nakahiga ito sa bench at naging unan ang mga kamay nito

Nilapitan ni Brenda at kinausap "Oliver" banggit niya sa pangalan

Hindi kumibo si Oliver nanatili lamang itong nakatingin sa himpapawid

"Oli" ulit ni Brenda

"Anong ginagawa mo dito?" sagot ni Oliver nanatili pa rin itong nakahiga

"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap at tinawagan sa phone mo hindi mo sinagot" ani Brenda

"Anong kailangan mo?" ani Oliver na malungkot ang mukha nito

"Gusto kitang makausap"

"Saan?"

"Anong saan? syempre gusto kong malaman kung kumusta ang try-out mo?" ani Brenda

"Huwag mo nang itanong" bumangon si Oliver at umayos ito sa pagkakaupo

"At huwag mo nang alamin pa" dagdag niya

Kaya nagtaka si Brenda ano naman ang nakain ng kaibigan niyang ito anong klaseng multo ang sumanib na naman ba dito

"At bakit may nangyari bang hindi maganda" ani Brenda na parang nahulaan na nito ang nangyari

Matagal sumagot si Oliver nagpakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga "I failed" maikling sabi ni Oliver malungkot ang mukha nito

"Narinig mo ang sinabi ko Bren I failed" ulit ni Oliver kay Brenda

Si Brenda naman ay nanatili lamang nakatingin sa kanya at pinakiramdaman siya kung ganoon nabigo ang kaibigan niya

"Anong ibig mong sabihin" tanong ni Brenda na gusto niyang malaman kung ano ang tunay na dahilan

"Hindi ako nakapasa sa try-out" diretsahan na sabi ni Oliver

"Ano" kunot-noong sabi ni Brenda "Bakit"

Sunod-sunod na tanong ni Brenda naghihintay siya sa sagot ni Oliver ngunit hindi ito nagsalita

Isang simoy ng hangin ang dumaan naghihintay pa rin si Brenda subalit wala pa rin siya na lang ang nagtatanong muli

"Oli may tinatago ka ba sa akin"

"Wala"

"Kung ganun bakit ayaw mong sabihin ang lahat paano kita matutulungan kung ganyan ka" ani Brenda

Tumabi ito sa pagkakaupo kay Oliver

"Anong maitutulong ko sa iyo Oliver" muling tanong ni Brenda kay Oliver

Tumingin si Oliver sa kanya at sinabing

"Wala hayaan mo muna ako"

"Akala ko ba magkaibigan tayong dalawa"

Isang katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa at si Oliver na ang unang bumasag nito

"Kahapon sa try-out natapilok ako natumba ngunit pinilit kong tapusin ang natitirang oras tinapos ko pa rin ngunit ang naging resulta mataas na oras ang nakuha ko hindi ko matanggap ang resulta masyado akong mahina" sabi ni Oliver nasapo nito ang kanyang sariling noo gamit ang kanyang kamay

Ngayon alam na ni Brenda ang dahilan kaya pala parang may dinadala itong problema

"Anong sabi ni Coach" tanong ni Brenda

"Wala naman siyang sinabi at yun ang nagpapabagabag sa akin wala man lang siyang reaksyon kahapon" bagsak pa rin ang mukha ni Oliver

At dahil dito nakaramdam ng awa si Brenda sa matalik niyang kaibigan

Labis pala itong nasaktan parang hindi rin ito nakatulog kawawa naman

"Gusto mo kakausapin ko si Coach Chuck sasabihin ko sa kanya na bigyan ka pa ng isa pang pagkakataon" ani Brenda

"Huwag na Brend huwag na"

Nagpakawala ng buntong hininga si Brenda at sinabing "Ayaw kong makita kang ganyan Ol... palagay ko nahihirapan din ako kapag nagkakaganyan ka" ani Brenda

Tumingin si Oliver kay Brenda "Salamat sa concern Brend pero hanggang dito na lang siguro ako" at muli nakayuko ang ulo ni Oliver apektado pa rin siya sa nangyari

"Oliver ano pa pinagsasabi mo Susuko ka na lang ba ng ganoon na lang Ang Oliver na kilala ko ay hindi marunong sumuko" sigaw ni Brenda sa kaibigan nakakunot pa ang noo nito

"Ngunit narinig mo naman ang sinabi ko hindi ako nakapasa" ani niya

"Ano naman ngayon kung hindi ka nakapasa sa try-out hindi ibig sabihin niyan susuko ka na basta-basta" ani Brenda

Muli nabuhayan ng loob si Oliver dahil sa mga salita ni Brenda pasalamat na lamang siya dahil mayroon siyang kaibigan na handang dumaramay sa kanya

"Salamat Brend pilit mong pinapalakas ang loob ko" ani Oliver

"Syempre kaibigan mo ako at kaibigan kita ang gusto ko ay makatulong sa iyo kahit paano" ani Brenda

"Babawi na lang ako sa susunod" ani Oliver na may kasamang ngiti sa labi

"Yan ang gusto kong marinig mula sa iyo hindi yung para kang namatayan" nairap si Brenda kay Oliver at tumingin sa ibang direksyon "Kita mo yung mga yan" turo ni Brenda gamit ang nguso niya sa mga taong tumatakbo sa field

"Oo" sagot ni Oliver

"Araw-araw ko siyang makitang tumatakbo dito sa field walang palya" ani Brenda "tuwing tumatambay ka dito at dito kita matatagpuan tuwing nandito tayo nandito rin siya tumatakbo araw-araw"

Pansin nga rin ni Oliver ang lalaking tumatakbo araw-araw sa field hindi niya ito personal na kilala

"Oo nga no napansin ko rin iyon" ani Oliver

"Kitams?Ibig sabihin niyan araw-araw siyang nag-eensayo dahil isa siyang atleta at pinatunayan niyang karapat-dapat siya"

Tumingin si Oliver sa lalaking tumatakbo sa gitna ng field at naisip sana all may Motivation ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya "Baka naman may motivation siya" dagdag pa ni Oliver

"Sana ikaw din may motivation" ani Brenda

*Brenda PoV*

Kinagabihan kinausap niya ang tito niya dahil naroon ito sa kanilang bahay para sa family dinner

"Maari ba kitang makausap tito" tanong ni Brenda nang nasa veranda ito matapos ang kanilang hapunan kausap ng tito Nel niya ang kanyang Ama

"Tungkol saan" tanong ng tito Nel niya

"Bren kita mo naman kausap ko pa ang tito Nel mo di ba" sabi ng ama ni Brenda

"Sandali lang ito Papa" ani Brenda

Kuyom ang kanyang mga kamay habang nakakagat ang kanyang labi kailangan niyang lakasan ang loob niya dahil para ito sa kaibigan niyang si Oliver

"Kuya hayaan mo na okay lang ano iyon Brenda?" tanong ni Tito Nel

"Naalala mo pa yung sinabi ko sa iyo yung kaibigan kong gustong mag-try out" huminto si Brenda at lumunok muna ng laway sa ikalawang pagkakataon muli mayroon na naman siyang hihilingin sa kanyang tito Nel

"Oo naalala ko bakit ano ang tungkol sa kanya?" ani Tito Nel

"Tito hindi kasi siya" pansamantala siyang huminto kabado siya sa totoo lang nahihiya siyang humiling sa tito Nel niya

"Sige lang ituloy mo lang huwag kang mahiya"

"Hindi kasi siya nakapasa sa try-out" ani Brenda

Naisip ni Brenda ano ba itong pinagsasabi niya napaka-nonsense ano naman ang maitutulong ng tito Nel niya dito pero nagbabakasali lang naman siya baka sakali lang

"Bakit?"ani Nel

"Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan pero hindi daw po siya..." hindi natuloy ang sasabihin ni Brenda nang magsalita ang kanyang Papa

"At ano naman ang magagawa ng tito Nel mo kung hindi nakapasa ang kaibigan mo sa try-out?" ani Brandon ang papa ni Brenda na sumingit sa usapan

"Baka po kung pwede pakiusapan si Coach Chuck" mahinang tugon ni Brenda nagpatuloy parin siya...

"At pagkatapos ano?" ani Brandon

"Papa!"

"Kuya hayaan na muna natin siya maupo ka Brenda" senyas ng tito Nel niya

Dahan-dahang naupo si Brenda sa bakanteng upuan katabi niya ang Papa Brandon niya at kaharap naman ang tito Nel niya

"Pasensya na po Tito Nel kakapalan ko na po ang mukha ko" ani Brenda

"Wala iyon naintindihan kita" sagot ni Nel

"Anong maitutulong ko"

"Pwede po ba pakiusapan muli si Coach Chuck na pagbigyan niya ng isa pang pagkakataon si Oliver" ani Brenda nilakasan na niya ang loob niya para diretsong masabi ito sa tito Nel niya ito na ang pagkakataon niyang makausap ito

"Brenda anak parang sobra na yata ang hiling mo sa tito mo" saway ni Papa Brandon niya

"Its okay Kuya hayaan mo na" ani Tito Nel

"Sige Bren susubukan ko" pangako ni Tito Nel kay Brenda

At dahil dito sumilay ang ngiti sa labi ni Brenda sa sinabi ng tito Nel niya

"Talaga po Tito salamat po" masaya si Brenda sa kanyang narinig

"Oo" sagot nito

"Aba... Nel, hindi ba parang sinispoil mo na siya" ani Papa Brandon

Hindi na sumagot si Nel sa halip ay ngumiti na lamang ito

Chapter comments

0
You

Chapters

Chaptergather uses analytics cookies to understand how the site is used. See the Privacy Policy for details.