Brenda Pov
Published
Title:Winner takes it all
Author:Patriyang Arka
@2026
Kinagabihan, kinausap niya ang tito niya dahil naroon ito sa kanilang bahay para sa family dinner.
"Maari ba kitang makausap, Tito?" tanong ni Brenda nang nasa veranda ito matapos ang dinner nila. Kausap ni Tito Nel niya ang kanyang ama.
"Tungkol saan?" tanong ng Tito Nel niya
"Bren, kita mo naman kausap ko pa ang Tito Nel mo, di ba?" sabi ng ama ni Brenda na si Brandon
"Sandali lang 'to, Papa," ani Brenda sa ama niya
Kuyom ang kanyang mga kamay at kagat ang kanyang labi. Dapat lakasan niya ang kanyang loob dahil para ito sa kaibigan niyang si Oliver.
"Kuya, hayaan mo na, okay lang. Ano 'yun, Brenda?" tanong ni Tito Nel
"Naalala mo yung sinabi ko sa'yo, yung kaibigan kong gusto mag-try out..." Huminto si Brenda at muling lumunok ng laway. Sa ikalawang pagkakataon, muli na naman siyang may hihilingin sa kanyang Tito Nel.
"Oo, naalala ko. Bakit? Ano ang tungkol sa kanya?" ani Tito Nel
"Tito... hindi kasi siya..." Pansamantala siyang huminto. Kabado siya at sa totoo lang, nahihiya siyang humiling sa kanyang Tito Nel
"Sige lang, ituloy mo lang. Huwag kang mahiya"
"H...hindi kasi siya nakapasa sa t...try out," ani Brenda
Naisip ni Brenda, Ano ba itong pinagsasabi ko? Ang nonsense. Ano naman ang maitutulong ng Tito Nel ko dito? Pero nagbakasakali lang naman siya, baka sakali lang.
"Bakit?"
"Hmm, hindi ko alam kung ano yung dahilan pero hindi daw po siya..." Hindi natuloy ang sasabihin ni Brenda nang magsalita ang kanyang Papa.
"At ano naman ang magagawa ng Tito Nel mo kung hindi nakapasa ang kaibigan mo sa try out?" ani Brandon, ang papa ni Brenda
"Baka po... kung puwedeng pakiusapan si Coach Chuck," mahinang tugon ni Brenda
"At pagkatapos, ano?" ani Brandon
"Papa..."
"Kuya, hayaan na muna natin siya. Maupo ka, Brenda," senyas ng Tito Nel niya
Dahan-dahang naupo si Brenda sa bakanteng upuan. Katabi niya ang Papa Brandon niya at kaharap naman niya ang Tito Nel niya.
"Pasensya na po, Tito Nel. Kakapalan ko na po ang mukha ko," ani Brenda
"Wala 'yon. Naiintindihan kita," sagot ni Nel
"Anong maitutulong ko?"
"Pwede po ba pakiusapan muli si Coach Chuck na... pagbigyan niya ng isa pang pagkakataon si Oliver?" ani Brenda
Nilakasan na niya ang loob niya para diretsahan niyang masabi sa Tito Nel niya, Pagkakataon niya na itong makausap.
"Brenda, anak... parang sobra na yata ang hiling mo sa Tito mo?" saway ni Papa Brandon niya
"It's okay, Kuya. Hayaan mo na," ani Tito Nel
"Pero, Nel..."angal ng papa Brandon niya
"Sige, Bren. Susubukan ko," pangako ni Tito Nel kay Brenda
At dahil dito, sumilaw ang ngiti sa labi ni Brenda sa sinabi ng Tito Nel niya.
"Talaga po, Tito? Salamat po!" Masaya si Brenda sa kanyang narinig
"Oo," sagot nito
"Aba, Nel, hindi ba parang ini-spoil mo na siya?" ani Papa Brandon
Hindi na sumagot si Nel. Sa halip, ngumiti na lamang ito.
"Ganyan talaga kapag gusto mo ang isang tao, lahat gagawin," parinig ng Tito Nel niya. "Di ba, Bren?"
Nabilaukan si Brenda sa sinabi ng kanyang Tito Nel.
"Tito, kaibigan ko lang po si Oliver"
"Diyan naman magsisimula ang lahat, sa pagiging kaibigan," at muli ay tumawa si Tito Nel niya
Aminado si Brenda na nag-blush siya sa sinabi ng kanyang Tito.
Pero bakit naman namula ang kanyang mga pisngi? Eh, alam naman niyang kaibigan lamang niya si Oliver. Hindi na kailangan lumagpas ang boundaries. Hanggang kaibigan lang talaga. Kaya lang naman niya ito tutulungan dahil best friend niya ito.
"No way! Ah, basta best friend ko lang si Oliver. That's all," depensa niya sa kanyang sarili
Dahil sa naging reaction niya, parang nakahalata ang kanyang Tito Nel na may gusto siya kay Oliver.
"Bakit ka defensive? May gusto ka nga ba talaga sa kanya?"
"Tito, wala po!" anas niya
"Porket gusto ko lang tulungan yung tao, ibig sabihin may gusto na ako?" ani Brenda
"Well... baka lang naman," ani Tito Nel
Dahil dito, nagsalita ang Papa Brandon niya. Hindi na ito nakatiis at sinabing,
"Siguraduhin mo lang na kaibigan lang ha, Brenda? Ay naku, sinasabi ko sa'yo," paangil ng kanyang Papa Brandon
"Opo naman, Pa. Kaibigan lang, no more, no less, no more, no more," pabirong sabi ni Brenda at maging siya man ay natawa sa sinabi niya
"Anong no more, no more? Baka mamaya niyan eh... malalaman ko na lang na nobyo mo na ang lalaking 'yun," ani Papa Brandon niya na seryoso habang sinasabi iyon kay Brenda
"Pa! Hindi ah! Never kong magiging boyfriend si Oliver!" ani Brenda na nakasimangot ang nguso
"Dapat lang... pag-aaral muna bago jowa," habilin ng kanyang ama
Siyempre naman, pag-aaral muna bago jowa. Wala pa sa kanyang isip ang makipagrelasyon. At kung sakali mang makipagrelasyon siya, hindi si Oliver 'yon. Dahil kaibigan niya ito, at para kay Brenda, ang kaibigan ay hindi dapat jino-jowa.
"Pangako, Pa," ani Brenda. "Aral muna," patuloy niya habang nakataas pa ang kanang kamay niya bilang pangako sa kanyang ama
"Narinig mo 'yun, huwag mo nang mag-jowa. Strict si Papa," pabirong sabi ni Tito Nel niya at sinabayan pa ito ng pagtawa
"Oo na, Tito. Narinig ko ang sinabi mo, Salamat," pairap na sabi ni Brenda
"Kapag nalalaman kong nakikipagrelasyon ka, ay naku, Brenda, sinasabi ko sa'yo, ipapadala kita sa probinsya at doon ka sa lolo at lola mo," sabi ng Papa ni Brenda
"Pa naman! Hay naku, aalis na nga ako dito. Sinasabi ko nang wala pa sa isip ko ang boyfriend-boyfriend na 'yan eh!" Na-badtrip tuloy siya
Saka siya tumayo at nagmartsa palayo
Bakit naman kasi nakiusap pa siya? Lumapit na nga siya at na-warningan tuloy ng Papa Brandon niya.
"Kainis!" Buti na lang hindi ito narinig ng Papa Brandon niya at baka masampiga pa siya. Iba pa naman ang kanyang Papa, masyadong strict sa kanya.
Kaya ang ginawa ni Brenda ay doon na lang siya sa kusina kung saan naroon ang kanyang ina na nag-aayos ng mga utensils.
"Hi, Brend. Anong nangyari? Bakit parang bad mood ka?" tanong ng Mama niya.
Abala ito sa pagpupunas ng mga utensils gamit ang puting basahan para mailagay na sa lalagyan ang mga gamit. May katulong naman sila pero nais ng kanyang ina na kumikilos pa rin sa bahay.
"Ehh, alam mo na si Papa..." ani niya habang nakipulot na rin siya ng kutsara at pinahiran ng puting basahan. May isa pa kasing extra.
"Hay naku, hayaan mo muna si Papa mo. Ganyan talaga 'yan," ani ng kanyang Mama.
"Palagi na lang niya akong sinasabihan na, 'Brenda, hindi ka pa puwedeng mag-jowa kasi ganito, ganyan...' Ma, nakakainis na pakinggan!" anas niya.
Parang nag-rant na siya sa kanyang Mama, ngunit nginitian lamang siya nito
"Bakit ka tumawa, Ma? Anong nakakatawa?" tanong niya habang huminto sa pagpupunas
"Wala lang. Natatawa lang ako," ani ng kanyang Mama. "Dahil ang Papa mo, sinabi niya lang 'yan dahil nais niya na magtapos ka muna ng pag-aaral."
"Ma, alam ko naman 'yun... nasa isip ko naman ang lahat ng 'yan eh."
"Alam ko, at may tiwala ako sa'yo, anak..." Humarap ang Mama niya sa kanya at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"Dahil ikaw lang ang nag-iisa naming anak kaya wala kaming ibang maaasahan kapag tumanda na kami ng Papa mo," dagdag ng kanyang ina.
Oo nga pala, bakit naman kasi mag-isa lang siya? Wala siyang kapatid. Lahat nakukuha ni Brenda. Wala siyang naging kaagaw pagdating sa pagmamahal ng kanyang mga magulang, lalo na sa mga luho. Ngunit malungkot naman siya dahil mag-isa lang siya
"Ma... alam ko po. Nagsisikap din naman ako. Hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral," sabi niya sa Mama niya
At hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi.
"Alam ko, anak. Kaya salamat dahil mabuti kang anak," wika ng Mama niya
Binaling nito muli ang pansin sa ginagawa at muling nagpunas ng kutsara
Chaptergather