Oliver POV
Published
"Oliver! Oliver!"
Napukaw si Oliver sa tawag ng kaibigan niyang si Brenda
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo," sabi nito
Bumuntong-hininga si Oliver at tumingala sa langit, maya-maya, isang eroplano ang dumaan.
"Kita mo 'yong eroplanong 'yon?" tanong niya habang nakatingin pa rin dito
"Oo. Bakit?"
"Balang araw, makakasakay rin ako riyan."
Napakunot-noo si Brenda
"Anong koneksyon niyan sa buhay mo?"Ngumiti si Oliver
"Balang araw, sasakay ako riyan... pero bilang pambato ng Pilipinas sa SEA Games."
Hindi niya inalis ang tingin sa eroplano hanggang sa tuluyan itong maglaho sa ulap
"Pangarap mo pa rin ba 'yan hanggang ngayon?" tanong ni Brenda
"Oo,"
Ngayon naman ay nakatingin siya sa track and field kung saan may mga atletang nagsasanay
"Bakit hindi ka mag-tryout sa track and field? May kilalang coach ang tito ko. Puwede kitang ipakilala."
Mabilis na napalingon si Oliver
"Talaga, Bren?"
"Oo. Kung gusto mo."
"Gustong-gusto ko! Kailan mo ako ipapakilala?"
Halatang siya pa ang mas excited
"Ikaw, kailan mo gusto?"
"Kahit anong oras"
"Sige. Kakausapin ko mamaya si Tito Nel para mairekomenda ka niya sa kaibigan niyang coach."
"Naku, salamat, Bren. Hulog ka talaga ng langit."
Inakbayan pa niya ang kaibigan, pero agad iyong inalis ni Brenda
"Huwag mo nga akong bolahin. Kilala na kita."
"Hindi naman kita binobola."
Napangiti si Brenda habang umiiling
Sandaling natahimik ang dalawa hanggang si Oliver ang muling nagsalita.
"Kita mo 'yon?"
Itinuro niya ang isang atletang seryosong tumatakbo sa oval
"Oo. Bakit?"
"Gusto kong maging katulad niya. Masipag mag-training."
Hindi man niya ito kilala, kitang-kita niyang pursigido ito sa ginagawa
"Naniniwala akong matutupad ang pangarap mo," sabi ni Brenda "Masipag ka naman"
"Ikaw lang yata ang naniniwala sa akin."
Bahagyang nalungkot ang mukha ni Oliver
"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ni Brenda
"'Yong iba kong mga kaibigan... hindi sila naniniwala sa kakayahan ko."
"Hayaan mo sila.Ang isipin mo ngayon, kung paano ka makakapasa sa tryout."
Unti-unting bumalik ang sigla sa mukha ni Oliver
"Sana nga makapasa ako."
"Makakapasa ka. Mabilis ka kayang tumakbo."
Biglang yumuko si Oliver at hinawakan ang kanang tuhod niya. Marahan niya iyong hinimas, napansin iyon ni Brenda.
"Oli, bakit? May injury ka ba?"
"H-ha? W-wala."
Iwas ang tingin ni Oliver habang pilit na ngumiti
Hindi na siya kinulit pa ni Brenda. Nirespeto na lang nito ang pananahimik ng kaibigan
"Sige, aalis na ako. May klase pa ako."
Isinabit niya ang shoulder bag sa balikat.
"Iiiwanan mo na ako?"
"Naku, narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba? Bukas ipakikilala kita sa kaibigan ni Tito Nel. Ako na ang bahala."
Tumango na lamang si Oliver
"Sige, Oli. Mauna na ako."
Tuluyan nang umalis si Brenda. Sinundan lamang siya ng tingin ni Oliver hanggang sa mawala ito sa paningin.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa track and field.
Parang hinihila siya nito palapit. Gustong-gusto niyang maranasan ang tumakbo roon bilang isa sa mga atleta ng paaralan.
Ngunit maya-maya'y nag-alinlangan siya.
Paano kung hindi siya makapasa?
Mariin niyang ikinuyom ang kamao.
Hindi. Gagawin niya ang lahat para mapansin ng coach. Hindi rin niya sasayangin ang tiwalang ibinigay ni Brenda
Gagawin niya ito para sa pangarap niyang balang araw ay makasali sa SEA Games.
Brenda POV
Weekend na naman, kaya nagtipon-tipon ang pamilya at mga kamag-anak nila para sa nakagawiang family dinner. Para kay Brenda, perfect ang pagkakataong iyon dahil gusto niyang makausap ang tito niyang si Nel.
"Hi, Brenda."
Napalingon siya nang marinig ang boses ng pinsan niyang si Lily
"Hello, Lily. Mabuti naman at nakasama ka"
Nagbeso silang dalawa
"Ayoko nga sanang pumunta kasi medyo masama ang pakiramdam ko. Pero baka magtampo si Papa kapag hindi ako sumipot."
"Mabuti na rin at nandito ka. Ang totoo, gusto ko ring makausap si Tito Nel."
"I see," nakangiting tugon ni Lily
"Tara, sa dining area na tayo"
Magkahawak-kamay silang naglakad papunta roon. Bata pa lang sila ay magkasundo na sila, at si Lily lang ang nakakaalam ng halos lahat ng sikreto ni Brenda
"Ma, Pa, nandito na sina Lily," tawag ni Brenda
Lumingon ang mama niyang si Mrs. Merdeth na abala sa pag-aayos ng mga kubyertos
"Salamat naman at dumating na kayo."
"Opo, Tita. Pero kami lang po ni Papa ang nakapunta. Si Mama kasi may inaasikaso pa."
"Gano'n ba? Sayang naman. Nailabas ko pa naman ang mamahalin kong alak."
"Huwag po kayong mag-alala, Tita. Kami ni Brenda ang uubos niyan," biro ni Lily
"Hoy, ano ka ba?" natatawang saway ni Brenda
Sabay-sabay silang napalingon nang may pumasok sa dining area
"Magandang gabi."Si Tito Nel iyon
"Mano po, Tito."
Iniabot ni Nel ang kamay niya at magalang na nagmano si Brenda
"Nel, mahal kong kapatid," bungad ni Mrs. Merdeth
"Ate Mer."
"Mabuti at nakapunta ka. Akala ko hindi ka na matutuloy."
"Puwede ba namang hindi? Baka magtampo ka pa sa akin."
"Si Kuya, nasaan?" tanong ni Nel
"Hinahanap mo ba ako, Bayaw?"
Lumabas mula sa kusina ang papa ni Brenda habang bitbit ang isang malaking mangkok ng umuusok na adobo. Inilapag niya iyon sa mesa bago nakipagkamay kay Nel
"Bayaw."
"So, tara na. Kain na tayo," aya ni Mrs. Merdeth.
"Mukhang espesyal ang handa ngayon, Ate"
Isa-isang sinulyapan ni Nel ang mga pagkain sa mesa, may seafood, iba't ibang putahe, at paborito nilang adobo
"Naman.Special ang bisita ko ngayon Halika na, Lily, Brenda.Maupo na kayo."
Habang nagsisimula silang kumain, napalunok si Brenda
Ngayon na kaya ang tamang pagkakataon para sabihin kay Tito ang tungkol kay Oliver? tanong niya sa sarili
"Brenda, okay ka lang ba?" mahinang tanong ni Lily nang mapansin siyang natulala
"Ah... oo. Okay lang"
"Masaya talaga akong makita ka, Pinsan"
"Ako rin"
Habang kumakain, muling nagsalita si Lily.
"Kumusta ang pag-aaral mo? Nahihirapan ka ba sa course mo?"
"Syempre naman.Mahirap talaga, pero wala na akong magagawa," natatawa niyang sagot
"Bakit hindi ka na lang mag-shift?"
"Naku, ayoko. Mas tatagal lang ako sa college. Okay na ako sa course ko."
Kinindatan pa niya si Lily
Maya-maya ay tumahimik ang lahat habang abala sa pagkain
Nakita ni Brenda ang pagkakataong hinihintay niya
"Nga pala, Tito..."
Napatingin sa kanya si Nel
"Bakit, Brenda?"
"May gusto po sana akong ipakiusap."
"Ano 'yon?"
Huminga muna siya nang malalim.
"May kaibigan po kasi akong gustong mag-tryout sa track and field."
"Anong maitutulong ko?"
"Hindi po ba may kakilala kayong coach? Sana po... kung puwede ninyo siyang mairekomenda."
Tumango si Nel na tila naunawaan agad ang gusto niyang sabihin
"Gets ko na. Walang problema.Sasabihin ko kay Coach Chuck."
Napangiti si Brenda
"Talaga po?"
"Oo. Ano nga ulit ang pangalan ng kaibigan mo?"
"Oliver Suarez po"
"Sige. Ime-message ko si Chuck mamaya."
Hindi napigilan ni Brenda ang mapangiti
"Maraming salamat po, Tito. Siguradong matutuwa si Oliver kapag nalaman niya."
"Si Oliver ba ay kaibigan mo lang o ka-ibigan mo?" pabirong tanong ni Lily
"Ano ba'ng sinasabi mo? Siyempre kaibigan ko lang. Best friend ko pa nga, ano ka ba!" Napairap si Brenda sa pinsan.
Mahinang natawa si Lily
"Naku, napikon ka agad."
"Tumigil ka nga," pabulong na sabi ni Brenda sabay sundot sa tagiliran nito
Ngumiti lang si Lily at muling sumubo ng pagkain
"Ikaw naman, Lily, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Mrs. Merdeth
"Mabuti naman po, Tita."
"May nobyo ka na ba?"
Napatingin si Lily sa ama niya bago sumagot
"Wala pa po. Sabi ni Papa, bawal pa."
Napangisi siya, halatang nagbibiro
"Natural lang.Aral muna bago lovelife," sabi ni Nel
"Tama siya," singit ni Brandon, ang ama ni Brenda "At 'yan din ang gusto namin para kay Brenda. Unahin muna ang pag-aaral."
Hindi napigilan ni Brenda ang sumagot
"Bakit naman ako nadamay?"
"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na bawal muna ang lovelife habang nag-aaral ka," sagot ng ama niya
"Pa, alam ko po 'yan.Huwag na kayong mag-alala ni Mama, single pa naman ako."
"'Yan ang gusto naming marinig," nakangiting sabi ni Mrs. Merdeth
"O siya, kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain."
Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan.
Habang kumakain, naisip ni Brenda na ite-text na lang niya si Oliver mamaya para sabihin ang magandang balita
Chaptergather