Chaptergather
Loading…

Wake Me Up When September Ends

In progressScience Fiction
13+
2
TagalogHuman-written

Synopsis

Anong sakit, ang maiwan ng iyong taong minamahal? Tunghayan natin ang isang kuwento, ang kwento nina Anna Flora Curtiz at Franco Luis Torres.

Wake Me Up When September Ends Three

Published

"Mama lalabas muna po ako" pagpapalam ko pa kay Mama habang abala itong binibigyan ng meryenda ang mga bata sa loob ng chapel

"Franco Luis!" pagtawag ko pa sa kaniya sa di kalayuan 

Lilingon kaya siya?. Sana naman lumingon.

Lingon ka na! sige na kahit isang saglit lang. nakikiusap na ako sayo. please! please! please! please! please! 

"Hello Ann!" buong ngiti pa niyang sagot sakin habang hinarap ako matapos nang pagkakatawag ko sa pangalan niya kanina

"Oyy ikaw pala yan?" tanong pa niya sakin matapos magulat na makita ako

"Oo ako nga" nakangisi ko pang tugon sa kaniya 

"Teka matanong lang ha. Bakit ka pala andito?" tanong ko pa sa kaniya bilang paniniguro lang baka kako sinusundan lang niya ako aba malay ko di ba hay naku may pagka- ambishosa din talaga ang tita ninyo ano pagpasensiyahan niyo na. pasensiya! pasensiya!

"Andito kasi yung kapatid ko" sagot pa niya sakin na para bang nahihiya pa sakin dahil di ako matignan ng diretso sa mata 

"Hala totoo? bakit dito pa samin di ba may chapel din naman sa inyo?" pangungwetsiyon ko pa sa kaniya kunwari ayaw-ayaw pa pero heto naman talaga ang gusto 

"Taga dito kasi ang mga kaklase at mga kaibigan ng kapatid ko eh" nangingiti pa niyang paliwanag sakin sabay napahawak sa buhok at napakamot din bigla 

"Ganun ba, pasensiya naman sa tanong ko" parang nahihiya ko pang wika sa kaniya matapos mapagtantong mali ako sa iniisip ko 

"Ano ka ba Ann, okay nga lang kasi magkaibigan na tayo di ba?" sabi pa niya bigla sakin na parang napansin din nito na medyo nahiya ako sa inasta ko sa kaniya kani-kanina lang

"Oo naman Franco, naintindihan ko kaya wala kang dapat ipag-aalala sakin" sabi ko pa sa kaniya para man lang basagin muli ang katahimikang namumuo samin ngayon

"Ang totoo niyan Franco may kapatid din ako at tiyak akong magkakasundo sila ng kapatid mo hindi ba?" dagdag ko pang wika sa kaniya habang pilit na ngumingiti sa kaniya para di ako mahalatang sobra na ang kahihiyan ang nararamdaman ko mula sa kaniya 

"Sana nga Ann" tipid pa niyang sagot sakin 

"Halika na pasok ka dito sa loob" pag-aaya ko pa sa kaniya sabay hinila ito papasok sa loob ng chapel 

"Salamat pala Ann, pero kaya ko na ito" pagtanggi pa niya sa paanyaya ko pero ako itong mapilit at medyu makulit para ipasok pa siya sa loob ng chapel 

"Wag ka nang magmatigas, hayaan mo akong makatulong sayo" wika ko pa ulit sa kaniya habang dahan-dahan siyang itinutulak papasok paloob sa chapel 

"Pangalawang beses na ito ha, nakakahiya na tuloy bilang ako ang lalaki na tinutulongan pa ng isang babaeng gaya mo" tugon pa ni Franco Luis sakin nang makapasok na kami sa loob ng chapel 

"Sandali lang ha, susuriin ko lang kung may meryenda pa bang natitira para sayo" aniya ko pa sa kaniya sabay nilapitan si Mama na nasa lamesa kumakain kasama ni Papa 

"Sige lang dahil hanapin ko din ang kapatid kong si Chlorine" sagot pa niya sakin sabay sinusuyod ang Kabuuan sa loob ng chapel

"Ache! Ache! Ache!" malakas pang tawag sakin ng bunso kong kapatid na si Chloride kahit bulol-bulol parin ito sa pagbigkas ng salitang Ate habang patakbong patungo sa kinaroroonan namin nila Mama, Papa, at Ako. 

"Arayyy!!!!" malakas pang daing ng isang chikiting na boses babae matapos magkabungguan sila ng kapatid kong tabachingching na si Chloride

"Sowey! Sowey! hindi ko sadcha. please forgive me! forgive me please!" saad pa ng bunso kong si Chloride matapos ang bungguan na naganap sa kanila ng isa pang batang nabunggo niya ng malakas 

"Sakit ulo ko! Ang sakit talaga!" daing pa din ng batang babae na nabunggo ng kapatid ko 

"Sakit nga din ulo ko eh!" daing rin ng kapatid ko dahil maging siya ay malakas ang pagkakatama ng ulo niya sa ulo pa ng batang babaeng nakabungguan niya 

"Ang bad mo. Isusumbong kita sa kuya ko!" sigaw pa ng batang babae na mangiyak-ngiyak parin dahil sa sakit na damang-dama parin ng ulo nito 

Sa tagpong ngang ito ay, nagpakamatandang kapatid mo na ako sa kapatid ko dahil sa hindi ako sanay na nakikitang may nagiging kaaway at nasasaktan ang kapatid ko nang ganito. 

"Baby brother, ayos lang ba ang ulo mo ha?" pangangamusta ko pa sa kalagayan ng ulo ng kapatid ko sabay tinignan ang batang babae na may matapang ang dating 

"Ayos na ang ulo ko ate" sagot pa ng kapatid ko sakin habang hinahaplos at hinihipan parin ang ulo nito para mawala ang hapdi ng ulo nito 

"Mabuti naman baby brother, pinag-aalala moko ng sobra sayo ha" wika ko pa sa kapatid ko habang tinitigan parin ang batang babaeng maldita 

"Kuya! Kuya! Kuya! Kuya! Kuya!" mangiyak-ngiyak pang sigaw ng batang babae matapos matakot sa pagkakatitig ko sa kaniya ng matagal 

"Chlorine? Andiyan ka lang pala. Alam mo ba kanina pa kita hinahanap kasi may supresa ako sayo eh pag-uwi mo sa bahay" sambit pa ni Franco Luis sa kapatid pala niyang pinaglihi sa swimming pool dahil sa kaputian nito 

"Kuya heto oh. Ang ulo ko ang sakit talaga kasi sinadya ng batang yan na tamaan ulo ko!" pagsusumbong pa ng kapatid ni Franco Luis sa kaniya habang itinuturo ang kapatid ko bilang pasimuno ng away nila 

"Sige nga, patingin nga si kuya sa ulo mo" utos pa nito sa kapatid niya habang pilit na inaalis ang kamay niya mula sa noo nito 

"Di ba malaki ang bukol kuya?" alala pang tanong ng kapatid ni Franco Luis sa kaniya 

"Maliit lang naman, ano ka ba makipagbati ka na lang Chlorine para matapos na ito lahat" payo pa ni Franco Luis sa kapatid niyang may pagkamaldita 

"Ayaw ko nga, hindi naman ako ang may kasalanan eh" pangatuwiran pa ng kapatid ni Franco Luis sabay lumabas ng chapel at tumakbo ng mabilis palayo sa lugar namin

"Pasensiya na sa inyo ng kapatid mo Ann" wika pa ni Franco Luis samin ng kapatid ko bago umalis para habulin ang kapatid nitong kakaalis lang

"Ano ka ba, ayos lang yun Franco ang mabuti pa sundan mo na yung kapatid mo baka magtampo pa yun sayo" sagot ko pa sa kaniya at kinawayan ito bilang pagpapalam rito

"Maraming salamat Ann, sige aalis muna ako ha at ikaw tuto pagsasabihan ko yung kapatid ko para humingi ng tawad sayo" mga huling katagang sinabi niya samin ng kapatid ko at pagkatapos tumakbo agad ito ng mabilis para habulin ang kapatid nitong nagtatampo pa sa kaniya

Sa ganoong mga galawan pa lang niya ay, lalo tuloy akong humahanga sa pagiging mabuti niyang Kuya niya sa kapatid nito kahit may pagka medyo pilya ito kung iisipin. Subalit, kayang-kaya niya itong dalhin naks naman kuhang-kuha niya ang pinapangarap kong lalaking gustong mapangasawa balang araw. 

Ayy aguroy tigil-tigilan mo ako Anna Flora! tigil-tigilan mo ang kiligin diyan ha baka di mo alam kasama mo ngayon ang mga magulang mo at siyaka ito ding may pagkamakulit mo pang kapatid na pinaglihi din sa Zonrox kaya kung ako sayo irelax mo lang ang puso mo okay? Okay? 

Okay. 

Hoy asawa ko balikan mo naman ako dito! Hoy! sige na nakikiusap ako sayo hindi ka ba nangungulila sa akin ha? Hoy! sandali lang pahintay ako Hoy! 

Hay naku puso ko maghunos-dili ka nga ganiyan lang talaga ang katangian ng lalaking yun kaya naman wag kang masyadong parang ignorante diyan gets? 

Chapter comments

0
You

Chapters

Chaptergather uses analytics cookies to understand how the site is used. See the Privacy Policy for details.