Ang muling pagtakbo ni Oliver
Published
Nasa field na siya, nakatayo kung saan kaharap niya ngayon si Coach Chuck. Eksaktong alas-kuwatro ng hapon, ayon sa kanilang usapan kahapon.
Pagkatapos ng kanyang klase, kaagad siyang nagtungo sa field.
"Salamat, Coach, sa isa pang pagkakataon," seryoso ang kanyang mukha, ngunit bakas naman sa hitsura niya na masaya siya ngayong araw.
"Wala 'yon. Gusto ko lang pagbigyan ka ng isa pang pagkakataon," ani Coach Chuck
"Sisimulan ko na po ba?" ani niya, Siya na mismo ang nagtanong
Paano, tatakbo na ba siya? Dahil ngayon pa lang ay magpapakitang-gilas na siya.
"Kaya mo bang tumakbo ng 100-meter dash sa loob ng 21.00 seconds?" Ngumisi ng pilyong ngiti si Coach Chuck.
21.00 seconds?
Hindi naman iyon imposible, pero hindi rin ganoon kadali. Kailangan niyang ibigay ang buong lakas niya para makuha ang oras na hinihingi ni Coach.
Napalunok siya, Hindi siya agad nakasagot at marahan siyang nag-isip.
"Kayang-kaya po ba 'yun, Coach?" mahina niyang tugon
Napailing si Coach Chuck at sinabi nito sa kanya, "Mayroon nang mas mabilis pa diyan. Hindi mo alam?"
Mayroon ba? Sino? Si Superman? O si Batman? Wala siyang alam
"Hindi ko po alam, Coach," ani niya
"Kilala mo ba si Usain Bolt?" ani Coach
Kumunot ang makinis niyang noo at nag-isip.
Usain Bolt? Hindi niya kilala 'yun... sino ba 'yun?
"Hindi mo siya kilala?" tanong muli ng Coach niya.
"Hindi po, Coach. Pasensya na po."
"Siya yung tinaguriang world's fastest man. Isa siyang sikat na atleta mula Jamaica. Nagtala siya ng 9.58 seconds sa 100-meter dash at 19.19 seconds naman sa 200-meter dash noong 2009. Naipanalo niya ang laban sa Berlin World Championships noong August 2009. Dapat kilalanin mo siya dahil sabi mo nga gusto mong sumali sa SEA Games, hindi ba?"
Natameme si Oliver, Hindi siya nakapagsalita.
Aminin man niya o hindi, napahiya siya. Hindi dahil wala siyang alam, kundi dahil sa kwento ni Coach Chuck.
May tama si Coach Chuck. Isa siyang atleta at balang araw sasali siya sa SEA Games, ngunit wala siyang alam sa mga sikat na manlalaro.
Anong klase siyang atleta? Matatawag ba siyang walang kwentang tao?
"Si Efren Bata Reyes lang po ang kilala kong manlalaro, Coach," ani niya
Ewan ni Coach Chuck kung nagbibiro lang ba si Oliver, ngunit nababakas naman nito na seryoso siya.
Ngumiti nang kaunti si Coach Chuck at sinabing,
"Sa billiard naman siya. Oo, mahusay siya at tinitingala ng lahat," ani Chuck.
"Pero... mas maigi na makilala mo rin si Usain Bolt," ani Coach Chuck
Tinapik siya nito sa balikat
"Hayaan n'yo po, Coach. Mamayang gabi, magsesearch ako tungkol sa kanya," ani niya.
"Maganda 'yan. So paano? Simulan na natin?" ani Coach Chuck
Magsisimula na sila. Tatakbo na siya ng 100-meter dash sa loob ng 21.00 seconds na hinihingi sa kanya ni Coach Chuck.
Ang tanong dito, makukuha ba kaya niya?
Sa tingin ni Oliver, mahirap naman ito.
Hindi siya sumagot, Tumango lamang siya saka niya itinabi muna ang kanyang bag sa tabi at nag-stretch nang kaunti. Palundag-lundag din siya bilang warm-up.
"Ready ka na ba, Mr. Suarez?" ani Coach
"Opo," sambit niya
"Bibigyan muna kita ng five minutes para mag-stretch," ani Coach
Patingin-tingin si Coach sa kanyang relo. Sa kaloob-looban naman ni Oliver, naroon ang mga katanungan na sana ay magtagumpay siya sa try-out na ito.
Makalipas ang five minutes, muli siyang tinanong ni Coach Chuck.
"Are you ready, Mr. Suarez?"
"Ready na po ako, Coach," sagot niya
"Pumunta ka na sa starting block," ani Coach
Tumango lamang si Oliver bilang pagtugon at tumakbo na siya patungo sa starting block.
Sa kanyang pagtakbo, dala niya ang isang pag-asa na sana ay makuha na siya sa ikalawang pagkakataon.
Nakarating na siya roon. Palundag-lundag muna siya habang mula sa di kalayuan ay tanaw naman siya ni Coach Chuck at pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.
Nag-umpisa na si Oliver. Lumuhod siya at naghihintay lamang ng hudyat. Ang kanyang kanang paa ay nakatukod sa starting block habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa lupa.
Hindi pa nagbibigay ng senyas si Coach. Tahimik lang itong nagmamasid.
Panay ang paglunok ni Oliver dahil sa kanyang concentration.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at kagat-labi pa siya.
Sisimulan na ni Coach Chuck. Itinaas na nito ang air gun. Kapag ipinutok na ito, handa na siyang kumaripas ng takbo.
Nang pinutok na ni Coach Chuck ang kanyang air gun, buong lakas siyang napaatras sa starting block at agad kumaripas ng takbo.
Mabilis ang kanyang takbo, yung tipong para siyang si Flash. Ang kanyang buong lakas ay kanyang inubos. Kita sa kanyang mga paa at braso ang bawat ugat nito.
Kailangan niyang makakuha ng mababang oras. Ito na ang huli niyang pagkakataon.
Isang daang metro ang layo na kanyang tatakbuhin, Ayan na siya malapit na siya.
Kaya mas lalo pa niyang nilakasan hanggang sa makarating na siya sa dulo.
Sa kanyang pagtatapos, kasabay nito ang pagpindot ni Coach Chuck ng kanyang stopwatch.
Humihingal siya at hindi pa makapagsalita. Hinayaan muna siya ni Coach Chuck.
Nang makita ni Oliver ang mukha ni Coach, wala ito sa mood Seryoso ito.
Ibig ba nitong sabihin ay... bigo siya?
Naghihintay lamang si Oliver na sabihin ni Coach Chuck kung ilang segundo ang kanyang nakuha.
"Oliver..." sambit ni Coach sa pangalan niya habang nakatingin ito sa kanya.
Handa na siya marinig ang sasabihin ni Coach, kahit ano pa man iyon.
Siguro kung hindi niya makuha ang mababang oras, wala na siyang magagawa. Hanggang dito na lang siguro ang kaya niya.
"21.03 seconds," ani Coach Chuck.
Ano raw? 21.03 seconds?
Paulit-ulit na umikot iyon sa kanyang isip.
Hindi siya makapaniwala, Napanganga siya at napadilat ang mga mata.
"Talaga po, Coach?" ani niya
"Oo. Congrats," nakangiting sabi ni Coach Chuck
"Yes!" sigaw niya
Napaluundag siya sa tuwa, Sobrang saya niya sa naging resulta.
Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang lahat.
Sa wakas, pasado siya sa try-out sa ikalawang pagkakataon.
"Salamat po, Coach," sabi niya at nayakap pa niya ang kanyang Coach dahil sa labis na kasiyahan.
Pangarap niya talaga ang sumali sa team bilang kasapi ng kanilang running team.
"Hindi rin ako makapaniwala," ani Coach
Kahit si Chuck ay nagulat sa kanyang nasaksihan. Naisip niyang ang katulad ni Oliver ay delikado. Darating ang panahon na ang batang ito ay maaaring siya ang mag-angat sa bansa.
"Hayaan n'yo po, Coach. Sa susunod, makukuha ko na ang segundong iyon na mas mababa," ani Oliver
Napakunot-noo si Chuck bago nagsalita
"Anong ibig mong sabihin?" ani Chuck
"Yung... sinasabi mo sa akin kanina. Nakalimutan mo na? Yung tungkol kay Usain Bolt," ani Oliver.
"Ahh, 'yun ba? Hindi ko naman hiniling na gawin mo talaga 'yon. Ang sa akin lang ay... puwede mo siyang gawing inspirasyon," ani Chuck.
"Paano kung..." Seryosong tumingin si Oliver kay Chuck. "Paano kung makuha ko 'yun, Coach? Malagay na ba ako sa Guinness World Records?" ani Oliver
Hindi nakapagsalita agad si Chuck Napatunganga siya sa sinabi ni Oliver.
"Oliver... alam mo ba ang sinasabi mo?" ani Chuck
Ngumiti si Oliver, yung ngiting parang nagbabadya.
"Opo, Coach. Alam ko po ang mga sinasabi ko," sagot naman niya
"Ang ibig kong sabihin ay..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Coach dahil si Oliver na mismo ang pumutol
"Sagutin mo na lang ako Coach, paano kung makukuha ko ang
19.01 seconds?"tanong ni Oliver, kuyom ang mga kamao niya "Malalagay ba ako sa guinnes world book of record?"ani Oliver
Hindi na sumagot si Chuck, sa halip tahimik na lang siya.
Chaptergather