Chapter 8
Published
Kinabukasan ay pinakilala siya sa kanyang magiging team. Masaya siya dahil sa wakas, kasama na siya.
"Nais kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong kasama sa team, si Oliver Suarez," pakilala sa kanya ni Coach Chuck
"Wow, sa wakas kasapi ka na namin. Welcome, bro!" masayang bati sa kanya ni Banjo na mas nauna sa kanya na nakuha sa team. Kasabayan niya ito sa try-out nung nakaraan, kaya lang hindi siya pinalad na makuha.
"Salamat, Banjo," wika niya
Masaya siyang nakipag-fist bump dito
"May kausap na ako... di tulad ng isa diyan, masyadong tahimik," ani Banjo habang tinuro niya gamit ang nguso si Rain.
Ngumiti lang si Oliver, Ayaw na niyang patulan ang pagiging marites nito.
"Makinig kayo, may dalawa pa kayong magiging kasapi," ani Coach
"May dalawa pa kaming makakasama, Coach?" ulit ni Banjo
"Oo, bukas ipakikilala ko sila sa inyo," ani Coach
May makakasama pa silang dalawa? Sino naman kaya ang mga ito? Magaling din ba sa larangan ng pagtakbo?
"Kasing-edad lang po ba namin?" si Banjo ulit
"Oo," ani Coach "Paano? Magsimula na tayo sa unang hakbang."
"Sandali lang po, Coach. May gusto sana akong itanong sa inyo," tanong ni Banjo
"Ano naman 'yan, Banjo?"
"Bakit kailangan pa namin ng dalawang kasapi?"
Napahalukipkip si Coach Chuck at isa-isa niyang tiningnan ang mga manlalaro niya.
"Sa larong Stick Relay, kailangan ng limang kasapi," ani Coach
"Stick Relay?" ani Oliver
Bakit napasama ang Stick Relay eh running lang ang sasalihan niya?
"Oo, Stick Relay," ani Coach
"Bakit Stick Relay, Coach? Di ba running lang ang gusto ko?" ani Oliver
Nga naman, bakit kailangan niya laruin ang larong hindi pamilyar sa kanya?
Nais niya maging kasapi sa running team, ngunit bakit kailangan may Stick Relay?
Ngumiti si Coach Chuck at umiling-iling. Sa tingin ni Oliver, nakakatawa na naman ba siya? May bagay na naman ba siyang hindi alam?
"Stick Relay, at running..." ani Coach Chuck
"Wala nang aangal," pahabol nito
Nagtaas ng kamay si Rain na kanina pa tahimik at sinabi nitong, "Pwede magtanong, Coach?" Anito, mababa lang ang boses nito
"Yes, Rain. Pwede, ano 'yun?" ani Coach Chuck
"Paano nakapasa 'to?" Turo ni Rain kay Oliver, at dahil sa sinabi nito, nag-iba ang hitsura ng mukha ni Oliver.
"Hindi ba, hindi siya nakapasa sa unang try-out?" pasaring ni Rain kay Oliver
"Teka lang, ako ba pinaparinggan mo?" tanong ni Oliver at binalingan niya si Rain
"Oo, at narinig mo ang sinabi ko," nakahalukipkip si Rain na parang babae itong kumilos.
"Huh, ang yabang mo ah," paangil ni Oliver
"Hindi ako mayabang, nagtatanong lang ako kung paano ka nakapasa sa try-out. Hindi ba lumagapak ka sa lupa nung umpisa?" ani Rain at nakapameywang pa ito.
Napangiti nang pilyo si Oliver, Nahalata naman niya na medyo malambot ang kilos nitong si Rain.
"Bakit? Porket lumagapak sa lupa, wala nang karapatang umulit?" sagot ni Oliver
Siyempre naman, sa larangan ng ganito, hindi rin siya patatalo kahit isa pa itong lalaking malambot.
"Wala, dapat hindi ka na binigyan ng pagkakataong umulit. At isa pa, darating ang panahon na baka... alam mo na... ikaw ang magpapatalo sa team," ani Rain
Patuloy ang pang-aasar niya kay Oliver
Ito pala ang ugali nitong si Rain. Hindi lang suplado, maldito din ito.
"Alam mo ba, sa taong kagaya mo, hindi na dapat binuhay sa mundo, lalo na sa malambot ka kagaya mo!" sigaw ni Oliver kay Rain, parang nagkaroon na ng girian sa pagitan ng dalawang ito.
"Tigil!" boses ni Coach Chuck. "Tama na 'yang bangayan!"
"Nakalimutan n'yo na ba ang bilin ko nung umpisa pa lang na hindi kayo puwedeng mag-away dahil team kayo?!" Mataas na ang boses ni Coach, na dati ay hindi naman nito ugali ang magtaas ng boses sa mga estudyante niya.
"Hindi naman ako nag-umpisa, Coach eh. Itong isang 'to..." ani Oliver habang tinuturo si Rain
Si Rain naman ay nakataas lamang ang isang kilay, tila hindi ito apektado sa nangyari.
"Nakapagtataka lang naman kasi, Coach. Natural lang naman siguro ang magtanong ako, hindi ba?" si Rain ulit
"Kapag kausap mo si Coach, gumamit ka ng po at opo," si Oliver pa rin
"So, pinangaralan mo ako nang gano'n?" Binalingan naman ni Rain si Oliver
Mukhang magka-girian na naman ang dalawang ito.
"Hindi kita pinangaralan. Tinatama lang kita. Kapag kausap natin ang mga taong mas nakatatanda, dapat matuto kang gumamit ng po at opo," mariing sabi ni Oliver
Ayan na naman si Rain, Nakapameywang na naman siya.
"Para sabihin ko sa'yo, alam kong ginagawa ko!" anas ni Rain
"Alam mong ginagawa mo pero mali ka pa rin. Wala kang galang," mahinahon naman ang pagkakasabi ni Oliver ngunit nakakunot ang kanyang noo.
Kung hindi lang bawal ang sumuntok, eh di sana ginawa na niya.
"Sabi ko tama na, di ba! Hindi ninyo ba maintindihan 'yan!" si Coach Chuck Napahawak na ito sa kanyang noo, siguro ay sumasakit na ang kanyang ulo sa dalawang ito.
"Sige, kung gusto ninyo, magsuntukan kayo!" ani Coach
"Tama na 'yan, tigilan n'yo na 'yan. Saka Rain, tama naman ang sinabi ni Oliver eh," ani Banjo na pabor siya sa sinabi ni Oliver kumpara kay Rain.
"So, mas kinakampihan mo ang isang 'to?" si Rain na mukhang ayaw pa ring tumigil.
"Hindi naman sa gano'n, Rain... kaya lang sa aspetong ito ay tama ang sinabi ni Oliver. Dapat may..." ani Banjo, ngunit hindi ito pinatapos ni Rain na magsalita.
"Eh parehas lang 'yan, mas kinakampihan mo ang isang 'to na may backer kaya nakapasok sa team!" ani Rain
At dahil dito, mas lalong uminit si Oliver. Aba, ang malambot na ito, kung hindi lang kasalanan ang manakit, di sana ginawa na niya.
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo?" anas ni Oliver kay Rain habang hinarap niya ito
"Ano ha! Ulitin mo!" si Oliver pa rin
"Bakit ko naman uulitin, aber? Totoo naman ang sinabi ko... kaya ka lang siguro nakapasok sa team dahil may backer ka," mas lalong diniin ni Rain sa pagmumukha ni Oliver.
Kuyom na ang kamao ni Oliver. Kung hindi pa ito titigil, sasapakin na niya ito.
Buti na lang ay...
"Sabi ko tumigil na kayo. Ang mabuti pa, magsiuwian na muna kayo at magpalamig," naisip na magandang idea ni Coach Chuck.
Mabuti na ito dahil kung hindi pa sila aalis ay baka magsuntukan na itong dalawa.
"Oliver..." sita ni Coach Chuck sa pangalan niya.
"Fine!" inis na sagot ni Oliver
Nagmamadali nitong kinuha ang kanyang bag, ngunit bago siya umalis, marahan niyang sinipatan si Rain.
Nakairap lamang si Rain sa kanya
Sa isip ni Oliver, ganito siguro kapag gusto mong maging babae, pero hindi ka naman babae.
Kaya mas pinili na lamang umalis ni Oliver kaysa naman makasapak pa siya nang di oras. Baka ito pa ang maging dahilan para matanggal siya.
Hindi pa nga siya nagsisimula, matatanggal na siya. At nakakatawa naman 'yun.
"Nakakainis!" Inis siya at napasipa sa hangin habang naglalakad sa gitna ng hallway, hawak ang strap ng bag niya.
"Akala mo kung sino ang lalaking 'yun!" Patuloy niya sa pagharumentado sa sarili niya.
"Anong backer ang sinasabi ng isang 'yun? Wala akong backer, tch!" Patuloy niya
Gusto lang niya mailabas ang lahat ng inis niya. Gusto niyang makita ang kaibigan niyang si Brenda. Saan na ba ang babaeng 'yun? Bakit hindi na ito nagpaparamdam sa kanya?
Kaya ang ginawa niya, kinuha niya ang cellphone niya na nakalagay sa kanyang bag at in-open niya ito.
Kaya lang, lowbat nga ito. Hindi niya makontak si Brenda. Excited pa naman siyang sabihin sa kaibigan niya na nakapasa siya sa try-out.
Mas lalo pang nadagdagan ang badtrip niya dahil nga lowbat ang cellphone niya, Hayss.
Napabuntong-hininga na lang siya at nahilamos ang mukha niya gamit ang kamay niya.
"Ayy! Nakakainis!" sigaw niya.l
Marami ang nakarinig at napatingin ang ibang estudyante sa kanya. Siguro napagkamalan siya ng mga ito na nasisiraa
n na ng bait.
Punta na nga lang siya sa charging station para makausap na niya ang best friend niya. Nagtataka siya kung bakit hindi ito nagpakita sa kanya ngayong araw.
Chaptergather