Ang lalaking nakabangga ni Oliver
Published
Title:Winner takes it all
Author:Patriyang Arka
@2026
No copyright to claim
"Oliver!" malakas na sigaw ni Brenda sa kanya at napalingon siya
"Bren," nakatingin siya sa kaibigan niya na halatang wala ito sa mood
"Nabasa mo ba ang text ko kagabi?" inis na sabi ni Brenda
"Oo, nabasa ko"
"Bakit hindi ka nag-reply?"
"Wala akong load," sabi ni Oliver at tumalikod kay Brenda, sinundan naman siya nito at pilit hinarang ang sarili sa daan
"Dapat gumawa ka ng paraan para makapag-reply sa akin!" tumaas ang boses ni Brenda sa buong campus
"Hinaan mo ang boses mo," sita ni Oliver kay Brenda
"Eh kasi nakakainis ka! Pwede mo naman akong i-reply sa chat!" asik ni Brenda na nakapameywang
"Okay, I'm sorry, nakalimutan ko, basta ang importante nabasa ko ang message mo," mahinahong sabi ni Oliver
"Saka salamat nga pala dahil ni-recommend mo ako," dagdag ni Oliver
Hinampas siya ni Brenda sa braso
"Wala 'yon! Huwag mo na akong pasalamatan!" inis pa rin si Brenda
"Aray ko! Ano ba!" anas ni Oliver habang hinihimas ang sarili niyang braso dulot ng paghampas ni Brenda
"Nakakainis ka pa rin!" napairap si Brenda sa kanya
"Pasensya na"
"Pasensya... pasensya... puro ka pasensya!"
Nakasimangot si Brenda na parang wala na siyang ganang makipag-usap kay Oliver
"Diyan ka na nga!" nagpatiuna na si Brenda at iniwan si Oliver
"Hoy, Brend! Ikaw talagang babaeng 'to, nagsorry na nga eh... hay naku, mga babae talaga," nahilamos na lamang ni Oliver ang sarili niyang mukha
Ngunit ayaw na siyang lingunin ni Brenda dahil nagpatiuna na ito, kaya hinabol niya ito
"Brenda Pintasira, ano na naman itong kadramahan mo ha?" tanong niya sa kaibigan
"Wala, huwag mo nang itanong," ngunit nakabusangot pa rin si Brenda
"Hay naku," napailing na lang si Oliver sa ugali ng kaibigan niya
Hinabol niya pa rin ito at kinausap
"Anong sabi ng tito mo, Bren?" tanong niya
Huminto saglit si Brenda at tumingin sa kanya
"Hindi mo ba nabasa ang text ko sa'yo kagabi?"
"Nabasa," alanganing sagot ni Oliver
"O, bakit mo pa ako tinatanong?"
"Hay, Brenda... napakasuplada mo pa rin hanggang ngayon, sa ugali mong 'yan hindi ka magkaka-jowa!" sarkastikong sabi ni Oliver sa kaibigan niya
"Eh ano naman ngayon? Hindi ko kailangan 'yan, OL," ganti ni Brenda at naglakad na sila
"Talaga lang ha, diyan ka na nga..." iniwan na ni Oliver ang kaibigan niya
Sa paglalakad niya sa hallway ay may nakabangga siyang isang binatang lalaki
"Sorry," paghingi ng tawad ni Oliver
Tumango lamang ang lalaki sa kanya, walang bakas ni isang salita
"Teka... wait... ballpen mo," pinulot iyon ni Oliver at ibinigay sa lalaking nakasuot ng hoodie
Ang weird niya, pepe ba 'yon? tanong ni Oliver sa sarili
"Sino 'yung nabangga mo?" ani ng nagmamay-ari ng boses sa likod niya Si Brenda
"Ewan ko," sagot niya
"Hmm, ang cute niya no?" ani Brenda habang tinatanaw pa rin ang binatang nakabangga kay Oliver
"Oo, cute," sagot ni Oliver na parang lutang din
"Type mo siya, OL," pabirong sabi ni Brenda
"Tumahimik ka nga, Brenda! Lalaki yun! Hindi kami talo! Diyan ka na nga!" asik ni Oliver sa kaibigan niya
Si Brenda naman ay namula sa kakatawa nang makita ang namumulang mukha ni Oliver
"Oli! Hintay!" wika ni Brenda na tawang-tawa pa rin sa hitsura ni Oliver
Isang tawag sa cellphone ni Brenda ang kanyang natanggap at agad niya itong sinagot
"Hello po, Tito," sabi niya sa kausap niya sa cellphone
"Bren, nakausap ko na ang kaibigan kong si Chuck," sabi ng tito niya sa kabilang linya
"Gusto niyang makilala ang kaibigan mo," dagdag ni Tito Nel
Umawang ang kasiyahan sa mukha ni Brenda
"Talaga po, Tito Nel?" sabi niya
"Oo, nag-usap kami kanina lang sa cellphone at pwede mo siyang puntahan sa field, 'yon ang sabi niya," ani Tito Nel
"Maraming salamat po, Tito Nel, siguradong matutuwa nito ang kaibigan ko," masayang sabi ni Brenda nang marinig ang balita
"Wala 'yon, sige na, puntahan mo na ha"
"Opo, Tito Nel, bye po..." ibinaba ni Brenda ang kanyang cellphone at hinabol si Oliver
"Ol! Oliver!" tawag niya
Lumingon si Oliver sa kaibigan niyang si Brenda
"Ano na naman?" anas niya
"May good news ako," ani Brenda
"Oo na, sinabi mo na 'yan kanina," wala sa mood si Oliver
"Hindi... iba ito..." masayang sabi ni Brenda, hindi maalis sa mukha niya ang kasiyahan
"Ano nga? Sabihin mo na kasi," naiinis na si Oliver
"Sumunod ka sa akin," ani Brenda
Napamaang na lang si Oliver sa kaibigan niya
"Brenda, ano ba!" sa totoo lang ay nais na niyang batukan ang kaibigan niyang ito
"Basta sumunod ka na lang sa akin," ulit ni Brenda
Walang nagawa si Oliver kundi ang sumunod sa kaibigan niya
Maya-maya pa ay nasa track and field na sila
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Oliver
"'Di ba sabi mo gusto mong sumali sa running team?" ani Brenda na nagpa-fluffy eyes pa
"Oo, bakit?"
"Ipapakilala kita kay Coach Chuck ngayon," ani Brenda
Nanlaki ang mga mata ni Oliver, halatang nagulat sa sinabi ng kaibigan niya
"Talaga ba? As in ngayon na?" ani Oliver na nakanganga
"Oo, ngayon na"
"Teka, saglit lang ha... kilala mo ba ang kaibigan ng tito mo?"
"Ano ka ba, Oliver, siyempre naman. Maraming beses ko na 'yon nakita sa mga birthday party sa tuwing iniimbita siya ni Tito," kuwento ni Brenda
"Ganun ba? Pero... kinakabahan ako, Brend"
"Hay, ano ka ba, halika na nga..." nagpatiuna si Brenda ngunit nahila siya ni Oliver
"Brend, sandali... hinga muna ako"
"Ang OA mo no? Dami mong ebas. Ano ka ba? Hayun na sila," turo ni Brenda gamit ang nguso niya
"Halika na nga..." anas ni Brenda
Sumunod naman si Oliver sa kaibigan niya
Hindi niya sukat akalain na ngayong araw siya nito ipapakilala
Hays, bakit ko pa kasi sinabi sa babaeng ito na kahit anong oras pwede niya akong ipakilala... tsk! ani Oliver sa sarili niya
Nang makalapit na sila sa kinatatayuan ni Coach Chuck
"Magandang araw po, Coach," nakangiting wika ni Brenda
"Brenda, ikaw pala," sabi ni Coach Chuck
"May gusto sana akong ipakilala. Siya po pala 'yung sinabi sa inyo ni Tito Nel," panimula ni Brenda
"Ah, oo, naalala ko. Nag-usap kami ni Nel," ani Coach Chuck
"Siya po pala si Oliver Suarez," pakilala ni Brenda
"I see... Kumusta, Oliver?" nakangiting bati ni Coach Chuck
"M... mabuti po, Coach," nahihiyang tugon ni Oliver
"Pasensya na po, Coach, kung pinakiusapan ko ang tito ko," sabi ni Brenda
"Wala 'yon. Sa totoo lang, timing din naman kasi naghahanap ako ng bagong recruit. Tamang-tama, Oliver," tugon ni Coach Chuck na nakangiti pa rin
Bakas sa mukha ng coach na mabuti itong tao
"Salamat po," sagot ni Oliver
"Bakit gusto mong mag-tryout, Mr. Suarez?" tanong ni Coach Chuck, seryoso ang mukha nito
Napalunok si Oliver bago sumagot
"Gusto ko pong makasali sa SEA Games, Coach," diretsong sabi niya
Tinitigan siya ni Coach Chuck, parang pinag-aaralan ang kanyang pagkatao
"Alam mo ba ang sinasabi mo?" ani Coach Chuck
"Opo, Coach," sagot ni Oliver na diretso lamang ang tingin kay Coach Chuck
"Hindi ganoon kadali ang makapasok sa SEA Games, Mr. Suarez," ani Coach Chuck habang nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng jogging pants
"Alam ko po iyon," ani Oliver
Bahagyang ngumiti ang coach at lumapit kay Oliver
"Gusto ko 'yang determination mo, bata," ani Coach Chuck at tinapik ang balikat ni Oliver
"Gusto kong makita ang galing mo," ani Coach Chuck
Hinahamon siya nito kaya napalunok si Oliver
Tumingin si Oliver kay Brenda na parang humihingi ng suporta
"Huwag kang tumingin sa akin, kay Coach ka tumingin," ani Brenda na kanina pa tahimik
"Ngayon na po, Coach?" tanong ni Oliver
"Hmm, may oras ka pa ba?" ani Coach Chuck
"Hmm, may pasok pa po ako maya-maya," ani Oliver
"Pwede Bukas bumalik ka rito, kaparehong oras," sabi ni Coach Chuck
"Ahm... o-opo. Makakaasa po kayo, Coach, hindi ko po kayo bibiguin," ani Oliver
"Sige, hihintayin kita, Oliver," ani Coach Chuck
"Salamat po, Coach," ani Oliver
"Maraming salamat po, Coach. Alis na po kami," dagdag ni Brenda
"Sige, Brenda," sagot naman ni Coach Chuck
Umalis na sila ni Brenda at bakas sa mukha ni Oliver ang kasiyahan
"Yes! Brend... thank you," nayakap niya ang ulo ni Brenda ngunit agad naman siya nitong tinulak
"Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" inis na naman si Brenda
"Babalik raw ako bukas! Yeey!"
"Oo, alam ko, narinig ko," anas ni Brenda
"Basta good luck sa'yo bukas," pahabol ni Brenda
Bukas na bukas ay gagalingan niya upang mapabilib si Coach Chuck
At muli... napahawak si Oliver sa kanyang tuhod
"Agh!"
"OL, are you okay?" tanong ni Brenda
"O... oo, okay lang ako," ngumiti si Oliver sa kaibigan niya
"Sige, Brend, mauna na ako sa'yo, saka salamat ulit," paalam niya kay Brenda dahil hindi naman sila magkaklase
"Teka, sigurado kang okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Brenda
"Oo, sabi eh... okay lang ako. Mauna na ako ha," sabi niya
Walang nagawa si Brenda kundi hayaan na lang siyang umalis mag-isa patungo sa kanyang silid-aralan
Nakahanap si Oliver ng isang tagong poste at sumandal muna roon
"Agh! Bakit ngayon ka pa sumakit!" ani Oliver habang hawak ang kanyang tuhod
Chaptergather